January 24, 2026

Home BALITA National

'P're, ilabas mo na!' Ridon, inip na sa 1 buwan usapin sa 'Cabral files' ni Leviste

'P're, ilabas mo na!' Ridon, inip na sa 1 buwan usapin sa 'Cabral files' ni Leviste
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila nauubusan raw ng pasensya si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon tungkol sa isang (1) buwan na umanong pagsisiwalat ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa mga “Cabral files” mula sa pumanaw na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral. 

Ayon sa naging pagbabahagi ni Ridon ng video mula sa press conference na isinagawa ni Leviste noong Biyernes, Enero 16, sinabi niya sa kapuwa mambabatas na ilabas na lang lahat ang mga nasabing dokumentong hawak nito kaugnay sa maanomalyang flood control projects. 

“Pre ilabas mo [na lang] [noong] isang buwan pa ‘yan,” mababasa sa caption ni Ridon.

Screenshot mula sa post ni Ridon sa 'X'.

Screenshot mula sa post ni Ridon sa "X".

National

Higit 1M bata sa Mindanao at BARMM nabakunahan kontra tigdas, tigdas-hangin—DOH

Sa video kasing ibinahagi ni Ridon, sinabi ni Leviste ang maaari umanong dahilan ng hindi niya pagdalo sa gaganaping Senate Blue Ribbon Committee kahit na may imbitasyon na sa kaniya sa darating na Lunes, Enero 19, 2026. 

“Dahil marami nga po ang nagsasabi na huwag kang magsalita at baka kung ano pa ang mangyari sa ‘yo. Kaya ang mga file na hawak ko ay nasa mga USB at kung may mangyari man sa akin, lalabas ang buong files na hawak ko,” pagdidiin ni Leviste. 

Ani Leviste, makakaasa raw ang publiko na lalabas umano ang lahat ng katotohanan tungkol sa budget at mga proyekto sa ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

“Kaya makakaasa po ang publiko na malalaman nila ang katotohanan patungkol sa budget ng DPWH at sa mga proyekto ng DPWH kahit may mangyari sa akin,” aniya. 

Emosyonal pang ibinahagi ni Leviste sa publiko na hindi raw niya alam ang mangyayari sa seguridad niya bago pa sumapit ang nasabing nakatakdang pagdinig. 

“Pero kaya ko po sinabi na hindi ako sigurado na makakarating ako sa Blue Ribbon Hearing, dahil kung babasehin ko po sa mga mga ipinarating na sa akin at sa aking ina, hindi ko po alam ang mangyayari sa akin bago mag Blue Ribbon Committee hearing,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: 'Kung papatayin n'yo ako, lalabas lahat ng ginawa n'yo sa DPWH!'—Rep. Leandro Leviste

MAKI-BALITA: 'Bakit ngayon lang?' Rep. Ridon, kinuwestiyon listahan ng insertions ni Rep. Leviste

Mc Vincent Mirabuna/Balita