January 25, 2026

Home BALITA National

‘Di balat-sibuyas? Usec. Claire Castro bilang gov’t official: 'Okay lang sa aking mapuna!'

‘Di balat-sibuyas? Usec. Claire Castro bilang gov’t official: 'Okay lang sa aking mapuna!'
Photo courtesy: PCO (FB)

Nilinaw sa publiko ni Palace Press Office at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na ayos lang daw sa kaniyang makatanggap ng puna ngunit ibang usapan na raw kung may pagbabanta na sa kaniyang buhay. 

Ayon kay Castro, sa naging panayam sa kaniya sa The Big Story ng One News PH nitong Sabado, Enero 17, sinagot niya ang tanong sa kaniya tungkol sa pagiging “balat-sibuyas” ba raw umano ang pagsasampa ng kaso ng mga opisyal sa gobyerno dahil sa umano’y mga puna sa tungkol sa kanila. 

KAUGNAY NA BALITA: Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte

“Hindi po ba parang balat sibuyas kayong mga government officials? Like, nag-file ng case si Congressman Leviste against you, you against Trixie. Hindi po ba parte ‘yan ng trabaho ninyo na kayo ay naki-criticized—kayo ay napupuna?” tanong kay Castro. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

“Okay lang sa akin na mapuna. First time ko itong magpa-record. Record pa nga lang ito, hindi pa po ako nagpa-file ng case. Although, I was asked to sign a complaint sheet para may record,” sagot naman ni Castro. 

Nilinaw ni Castro na wala pa raw siyang isinasampang kaso laban sa mga indibidwal na tila nagbanta sa kaniyang buhay mula sa post ng mga ito sa kanilang Facebook page na “Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan.” 

“But wala pa po akong pina-file. I just have to report this matter because this concerns my security. So mahirap po ‘yon,” saad niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Claire Castro, nagreklamo sa NBI dahil nakatanggap umano ng pagbabanta

Dagdag pa niya, “Iba po kasi ‘yong usapang ‘ah, mali ka sa opinyon mo,’ it’s okay with me—it’s fine with me. Pero ‘yong bantaan ka, hindi po ‘yon pagiging balat-sibuyas.” 

Hinalibawa pa ni Castro ang naging pahayag din umano noon ni Vice President Sara Duterte na may nagbabanta rin sa buhay nito. 

“Kasi ito po ha, maski na po ang Bise Presidente sinasabi niya, tine-threaten siya. Pero she is being asked ‘where is that report?’ na ikaw [ay] tini-threaten,” aniiya. 

“So if you do not have any port, parang wala kang credibility kapag sinabi mong tinatakot ang buhay mo. pagtatapos pa niya. So I have to do this for my own security and protection,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Atty. Claire Castro, nagreklamo sa NBI dahil nakatanggap umano ng pagbabanta

MAKI-BALITA: Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte

Mc Vincent Mirabuna/Balita