Inihayag ni Unkabogable Star Vice Ganda ang interes niyang mabili ang ABS-CBN sakaling magkaroon ng milyong dolyar.
Sa isang vlog ng ABS-CBN Star Cinema kamakailan, sinagot ni Vice ang ilan sa mga iconic beauty pageant questions.
“Let’s make believe that all of a sudden you had a million dollars. What’s the first thing you would buy and why would you buy it?” tanong sa Unkabogable Star.
Sagot niya, “If I have a million dollars, the first thing that I would buy is ABS-CBN.”
“I will buy ABS-CBN, and after a while, I will turn it back to its original owners,” dugtong pa ni Vice.
Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-no ang 70 kongresista sa pagbibigay ng prangkisa.
Bukod pa rito, binanatan din ang nasabing TV network ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong 2016.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng network at ipinaliwanag na may limitasyon umano ang pagtanggap nila ng local ads.
Sa kasalukuyan, umeere ang mga programa ng ABS-CBN sa iba’t ibang channel tulad sa A2Z at GMA Network.
Kamakailan lang, inanunsiyo nila na mapapanood sa ALLTV ang FPJ’s Batang Quiapo, Rojá, What Lies Beneath, It’s Showtime, ASAP, at TV Patrol.
Maki-Balita: Balik-Channel 2! Kapamilya top shows, mapapanood na sa ALLTV simula 2026
Ito ay matapos mapagdesisyunan ng TV5 na tapusin na ang content agreement nito sa ABS-CBN na epektibong ipinatupad noong Enero 2, 2026.
Kaugnay na Balita: 'TV5 is also faced with its own challenges!' TV5 sinagot ABS-CBN sa kanilang partnership deal issue