January 24, 2026

Home BALITA National

Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte

Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nilinaw sa publiko ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na bukas daw siyang makipag-usap kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste. 

Ayon sa naging panayam sa Balitanghali ng GMA Integrated News kay Castro nitong Biyernes, Enero 16, sinabi niyang hindi raw niya alam kung may personal na sama ng loob sa kaniya ang nasabing mambabatas. 

“Kung meron kasi siyang sama ng loob sa akin—hindi ko po alam kung may personal siyang sama ng loob sa akin,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Kasi minsan, sinabihan na rin niya ako na I’m making a fool of myself. On air ‘yon.” 

National

Higit 1M bata sa Mindanao at BARMM nabakunahan kontra tigdas, tigdas-hangin—DOH

Ani Castro, mas maituturing pa nga raw na libelous ang naging pahayag ni Leviste noon patungkol sa kaniya ngunit hindi na niya iyon pinansin. 

“‘Di ba kung tutuusin nga [ay] mas libelous ‘yon. Pero hindi ko na rin po pinansin dahil mali rin ‘yong context ng sinabi niya doon,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Castro, bukas daw siya kung makikipag-usap sa kaniya si Leviste dahil mga pawang katotohanan mula sa mga balita ang sinasabi niya sa publiko patungkol sa solon. 

“Kung makikipag-usap po, ako po’y open. Wala naman po sa aking masama dahil ako naman po kapag ako’y nagsalita [ay] binabase ko lang sa mga news at sa sinasabi po nila,” paglilinaw niya. 

“So wala pong malisya kung anoman ang ating kino-content diyan,” pahabol pa niya. 

Kung maghaharap naman umano sa Korte, si Castro raw ang tatayong abogado para sa kaniyang sarili. 

“Kung sino ang tatayong abogado? Ako po ang tatayo para sa sarili ko,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nauna na ng kinuwestiyonin ni Castro ang pagsasampa sa kaniya ng libel case ni Leviste dahil ba raw hindi niya kaibigan ang ina nito at hindi siya ginagalang ng solon.

MAKI-BALITA: 'Di niya ako ginagalang?' Usec. Claire, kinuwestiyon pagsasampa ng kaso ni Leviste

Paglilinaw ni Castro, nag-ugat daw ang pagsasampa ng kaso ni Leviste dahil sa pagpapaliwanag niya sa pagbebenta at paglipat ng franchise ng mambabatas sa kaniyang kompanya.

Pagkukumpara ni Castro, nasaad daw ni Leviste na hindi niya idedemanda si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla dahil sa iginagalang niya ito at kaibigan ng kaniyang ina na si Sen. Loren Legarda. 

Habang si Castro umano ang masasampahan ng kaso dahil hindi nito kaibigan ang nasabing senador at ibig sabihin ba raw noon na hindi siya ginagalang ni Leviste. 

MAKI-BALITA: Rep. Leviste, sa pagsasampa ng kasong libel: 'Hindi ko nais masaktan si Usec. Claire Castro!

MAKI-BALITA: ‘Ayoko pong makulong si Usec. Claire Castro' Rep. Leviste, 'di raw bet magsampa ng 'criminal case'

Mc Vincent Mirabuna/Balita