Isiniwalat ni Kapuso beauty queen-actress Rabiya Mateo ang kondisyon ng kaniyang mental na kalusugan noong 2025.
Sa isang Facebook post ni Rabiya nitong Biyernes, Enero 16, sinabi niya na nagkaroon umano siya ng depression at anxious distress.
“2025, I was diagnosed with depression and anxious distress. I had my several rounds of medication,” saad ni Rabiya.
Dagdag pa niya, “I left the country for 3 months, so I won’t get triggered by people who have no idea what I’ve been going through.”
Ayon sa Kapuso beauty queen-actress, araw-araw umano ay isang pakikipaglaban para mabuhay. Dumating sa punto na halos mag-deactivate siya sa lahat at maglaho na lang upang magkaroon ng tahimik at payapang buhay.
“I fought hard and am still fighting up until now,” dugtong pa niya.
Ipinangako umano ni Rabiya sa sarili na hindi susuko nang makita niya ang nangyari kay Emman Atienza at sa sakit na idinulot nito kay GMA trivia master Kuya Kim Atienza.
Aniya, “I dont want my Mama to experience the same thing.”
Samantala, sa kaniyang isang Facebook page, muling ibinahagi ni Rabiya ang orihinal niyang post tungkol sa kaniyang mental health. Dito ay nanawagan siyang itigil na ang panghahamak ng kapuwa.
Sabi niya, “Bullying needs to stop now. It causes harm more than you ever know.”
Matatandaang maging ang beauty queen na tulad ni Rabiya ay hindi rin nakaliligtas sa mga lait at puna.
Sa katunayan, noon pa mang Miss Universe stint niya, marami na raw siyang natatanggap na below the belt na komento.
Maki-Balita: Rabiya, never bababa sa level ng basher: 'I look cheap, sensya na, pero I will never be somebody like you'
Nakaladkad din ang pangalan niya sa malisyosong blind item tungkol sa kanila ng ex-jowa niyang si Jeric Gonzales na umano'y celebrity couple na gustong makanood nang libre sa concert ng Korean star na si IU sa Philippine Arena noong Hunyo 2024.
Maki-Balita: Rabiya, rumesbak sa malisyosong blind item tungkol sa kanila ni Jeric