Agad na nilinaw ni Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso artist Rabiya Mateo ang tungkol sa kumakalat na blind item na umano'y celebrity couple na gustong makapasok at makanood nang libre sa concert ng Korean star na si IU sa Philippine Arena noong Hunyo 1.

Mababasa sa blind item ng "Hyein's modeling agency"na isang aktor at beauty queen daw ang biglaang pumasok sa concert venue ni IU kahit hindi bayad, at ang gusto pa raw ay sa VIP seat.

Sa ilan pang post ay ipinakita pa ang Instagram story ng Kapuso actor habang nanonood ng concert.

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Tsika at Intriga

Rendon, walang pinagsisihan matapos ideklarang persona non grata

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Bagay na pinalagan naman ni Rabiya sa pamamagitan ng Instagram story. Aniya, kagaya ng ibang nanood ay nagbayad din sila ng concert ticket. Nasa 12k each daw ang binayaran nila upang makanood ng concert ni IU.

Photo courtesy: Rabiya Mateo (IG)

Photo courtesy: Rabiya Mateo (IG)

Photo courtesy: Rabiya Mateo (IG)

Photo courtesy: Rabiya Mateo (IG)

Saad pa ni Rabiya, pumila rin sila nang manood ng concert nina Lee Min Ho, Coldplay, at Ed Sheeran at hindi sila nagpapa-VIP sa mga concert.

Agad namang naglabas ng opisyal na apology statement ang admin ng nabanggit na Facebook page.