January 18, 2026

Home BALITA Probinsya

38-anyos na hinihinalang estafadora, arestado sa Camarines Norte!

38-anyos na hinihinalang estafadora, arestado sa Camarines Norte!
Photo courtesy: CIDG


Timbog ang isang 38-anyos na babae sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Purok 4, Barangay II, Daet, Camarines Norte kamakailan.

Sa ibinahaging ulat ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) noong Lunes, Enero 12, nasakote ang suspek sa kasong syndicated estafa.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Daet, Camarines Norte Court noong Enero 7, 2022, hinuli ng mga operatiba ang babae sa tulong ng CIDG Camarines Norte Provincial Field Unit at Daet Municipal Police Station.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay nakatala bilang Rank No. 9 Most Wanted Person (MWP) ng probinsya.

Base pa sa inilatag na impormasyon ng CIDG, ahente o empleyado raw ang suspek ng “Kenny Infotech Corporation,” kasama na ang higit 11 pang mga akusado.

Probinsya

LTO enforcer na nagtatago habang nanghuhuli, inisyuhan ng show cause order



Simula taong 2021 sa San Juan, Taytay, Rizal, sila ay nagsasagawa umano ng “false representation” ng kumpanya kung saan sinasabi nilang tumatanggap ito ng “solicit investment,” na siyang babalik sa kanilang biktima nang mas malaki.

Sa umpisa, ipinakikitang ito bilang “freelancing job,” kung saan sinasabi nilang sila ay kikita kung kukumpletuhin nila ang “tasks” na nasasaad sa usapan. Hanggang sa tumagal, hihikayatin na nila ang mga biktima na mag-recruit o mag-invest pa hanggang sa hindi na nila ito bayaran.

Maaaring humarap sa mga kaso ang suspek matapos labagin ang Article 315, paragraph 2(a) ng Revised Penal Code (RPC), in relation to Presidential Decree No. 1689, in relation to Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ayon sa CIDG, ang aprehensyong ito ay isang tanda ng kanilang maigting na kampanya laban sa krimeng may kinalaman dito.

“The arrest underscores the commitment of CIDG to bring all accused behind bars; help victims attain the justice they deserved; and significantly prevented future frauds from happening,” anang CIDG.

Giit pa nila, “The CIDG assures the public that the Unit is steadfast in enforcing the law, and unyielding in pursuing and catching most wanted persons and fugitives nationwide.”

Vincent Gutierrez/BALITA