Pinatutsadahan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang mga tahimik tungkol sa umano’y korapsyong nangyayari sa bansa na binansagan niyang mga “tagapagtanggol” at “kasabwat.”
Ayon sa naging pahayag ni Leviste sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Enero 11, sinabi niyang itatala raw sa kasaysayan ng bansa na mga kasabwat sa pagtatakip ng korapsyon ang mga umano’y nananahimik tungkol sa usaping ito.
“Sa mga tahimik pa ngayon tungkol sa mga anomalya sa gobyerno: itatala sa kasaysayan na kayo ay mga tagapagtanggol at kasabwat sa pagtatakip ng pinakamalaking korapsyon ng ating bansa,” pagdidiin niya.
Photo courtesy: Leandro Leviste (FB)
Dahil dito, tila suportado at kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ng mambabatas.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Leviste:
“Laban lang cong.. fight for what is right for the filipino people. We pray for you so that the righteousness in government will win. God bless you.. God bless Philippines..”
“Real leaders expose thieves, not protect them. May God guard the brave who speak the truth. Sa mga corrupt—karma doesn’t miss, it waits. Stay safe po cong Leandro Legarda Leviste”
“Integrity has no price. Integrity can't pay bills or make someone any richer. But it adds Value to your Name.. By doing so - you bring HONOR to your family. Only few people has this gift.”
“People are not fools.. Justice will prevail for all the Filipinos.”
“Need na talaga magkaroon ng major change sa unitary system of government natin. Tutal, kurap muIa pinakamataas hanggang sa baba, it’s high time na isulong ang federalism. In that way, yung power ay maseshare between national government and regional government…”
“Baligtad na talaga ang mundo, kakasuhan ang nagsasabi ng katotohanan. Mabuhay ka cong Leandro Legarda Leviste”
“Lahat ng nakaupo ngayon mga kasabwat…”
“Majority kasi sa kasamahan mo sa Kamara ay kasabwat sa kurapsyon, kaya takot magsalita kasi nga may tinatago din. Dapat na nga talagang ma dissolve tong lower house…”
“Go cong! Nasatabi mo ang buong sambayang Pilipino! Kayong mga kabataan ang pagasa ng bayan!”
MAKI-BALITA: Leviste, San Fernando, Barzaga binabansagang 'Makabagong GomBurZa'
MAKI-BALITA: Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget
Mc Vincent Mirabuna/Balita