January 24, 2026

Home BALITA Politics

'Ang Pangulo ay walang Mary Grace Piattos!' Palasyo, binakbakan planong impeachment kay PBBM

'Ang Pangulo ay walang Mary Grace Piattos!' Palasyo, binakbakan planong impeachment kay PBBM

Binakbakan ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang ilang indibidwal na nagtutulak umano ng impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Enero 12, 2025, pinatutsadahan ni Castro ang naturang mga indibidwal at iginiit na wala umanong “Mary Grace Piattos” si PBBM at nakahanda rin daw ito na humarap sa anumang legal na proseso.

“Ang Pangulo naman, handa naman po sa lahat ng pagkakataon dahil siya po ay gumagalang sa konstitusyon—gumagalang po siya sa proseso. Pero kung pag-uusapan po natin ay breach of public trust na nabanggit ito tungkol sa ‘di umanong pagpirma sa GAA, ang Pangulo po, unang una, hindi po siya nagnakaw ng pera,” pagdidiin niya. 

Ipinagmalaki rin ni Castro na sa kabila ng mga ibinabato raw na anomalya sa Pangulo, ay mismong si PBBM daw ang nag-ungkat na maimbestigahan ang maanomalya at kontrobersyal na flood control projects.

Politics

Supporters ni ex-VP Leni, PBBM pinagsasanib-pwersa ni Trillanes sa 2028

“Pangalawa, siya po ang nagpapaimbestiga sa mga maanomalyang flood control project at maaaring naging sanhi ng korapsyon,” giit ni Castro.

Patama niya pa, “Pangatlo, wala po siyang Mary Grace Piattos.”

Matatandaang gumawa ng ingay ang pangalang “Mary Grace Piattos” matapos itong marekburkar sa mga resibo ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Matapos ang paglitaw ng kontrobersyal na pangalang "Mary Grace Piattos," na tila ipinangalan umano sa pagkain, isa pang pangalang "Cannor Adrian Contis" ang nakalkal din na tila isinunod umano sa isang bake shop.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA