January 24, 2026

Home BALITA Metro

Mayor Isko Moreno, humiling sa mga debotong nagkakalat; 'Disiplina, pairalin!'

Mayor Isko Moreno, humiling sa mga debotong nagkakalat; 'Disiplina, pairalin!'
Photo courtesy: Mayor Isko Moreno Domagoso (FB)

Humiling si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga deboto ng Poong Jesus Nazareno na pairalin ang disiplina nilat at huwag magtapon ng basura sa mga kalsada at pampublikong lugar. 

Sa ibinahaging mga larawan ni Moreno sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Enero 10, makikita ang paglilinis ng Department of Public Services sa Nepomuceno St. at Ayala Bridge na dinaanan ng andas ng Poong Jesus Nazareno sa naganap na Traslacion mula noong Biyernes, Enero 9 hanggang nitong Sabado, Enero 10, 2026. 

“Bilang bahagi ng ating pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lungsod ay naglinis ang mga kawani ng Department of Public Services sa Nepomuceno St. at Ayala Bridge na dinaanan din ng andas,” mababasa sa caption ni Moreno. 

Photo courtesy: Mayor Isko Moreno Domagoso (FB)

Screenshot mula sa post ni Moreno sa Facebook. 

Metro

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay

Nagawa pang humiling ni Moreno sa mga deboto na pairalin daw ng mga ito ang disiplina sa sarili at magmalasakit sa kapaligiran. 

“Sa nalalapit na pagtatapos ng #Nazareno2026 ay hinihiling pa din natin sa ating mga deboto na pairalin ang disiplina sa ating sarili. Magmalasakit po tayo sa ating kapaligiran at huwag magtapon ng basura sa ating mga kalsada,” pagtatapos niya. 

Matatandaang umabot sa 9.6 milyong bilang ng mga deboto ang nakiisa at dumagsa sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo, Maynila noong Huwebes, Enero 8 hanggang nitong Sabado, Enero 10, 2026.

MAKI-BALITA: 9.6M deboto, nakiisa, dumagsa sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026!

Ayon sa ulat ng Quiapo church at Manila Public Information Office, 9,640,290 ang kabuuang bilang ng mga debotong dumagsa sa Traslacion ng imahe ng Poong Jesus Nazareno matapos ang makasaysayang halos 31 oras na nagsimula noong 4:00 ng madaling-araw ng Biyernes.

Habang bandang 10:50 naman ng umaga nang makabalik ang Andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quiapo Church.

MAKI-BALITA: 2 deboto, nasawi sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026!—NCRPO

MAKI-BALITA: Sa nakalipas na dekada: Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula pero pinakamatagal natapos

Mc Vincent Mirabuna/Balita