January 26, 2026

Home BALITA Metro

'First time!' Quiapo Church, ipinag-utos na itigil pansamantala ang Andas sa San Sebastian Church

'First time!' Quiapo Church, ipinag-utos na itigil pansamantala ang Andas sa San Sebastian Church
courtesy: Manila DRRMO

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Traslacion, ipinag-utos ng Quiapo Church officials ang pansamantalang pagtigil ng Andas ng Poong Jesus Nazareno sa San Sebastian, matapos ang tradisyunal na “Dungaw,” nitong Sabado ng madaling araw, Enero 10, 2026.

Iniulat ng Manila Public Information Office (MPIO) na ayon kay Fr. Ramon Jade Licuanan, rektor at kura paroko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, ay mananatili muna ang Andas sa San Sebastian Church.

Mahigit 24 na oras ang lumipas bago makarating ang Andas sa naturang simbahan mula nang umalis ito sa Quirino Grandstand noong alas-4 ng madaling araw, Enero 9.

Gayunpaman, hindi sumang-ayon ang mga deboto ng Nazareno sa naturang kautusan ng Quiapo Church official, at determinadong itinuloy ang Traslacion upang maiuwi ang Poong Nazareno sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Samantala, ayon sa Innovation Integrated GIS and Data Hub ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pumalo na sa tinatayang 7.3 milyon katao ang sumali at nakilahok sa Pista ng Poong Jesus Nazareno, as of 7:00 AM.