January 26, 2026

Home BALITA National

'Bilang ng mga debotong dumagsa sa Traslacion 2026, pinakamarami sa kasaysayan!'—spox

'Bilang ng mga debotong dumagsa sa Traslacion 2026, pinakamarami sa kasaysayan!'—spox
Photo courtesy: via MB

Tila pinakamarami umano sa kasaysayan ng Pista ng Poong Jesus Nazareno ang bilang ng mga dumagsang deboto para makiisa sa Traslacion ngayong 2026. 

Ayon sa isinagawang press conference ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, Enero 10, 2025, ipinaliwanag ni Fr. Robert Arellano ang ilan sa mga dahilan kung bakit umabot na sa mahigit 30 oras ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno. 

“Unang una, bakit natatagalan?” pagsisimula niya, “Maraming humaharang. Kapag maraming mga taong humaharang sa Andas, hindi ito nakakadaloy nang maayos.” 

Ani Arellano, pinakamarami raw ang bilang ng mga dumagsang deboto ngayong 2026 sa buong kasaysayan ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno kahit wala pang opisyal na tala mula sa mga awtoridad. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“If I’m not mistaken, maaaring ito ang pinakamaraming umattend when it comes sa pagdiriwang ng Traslacion,” aniya. 

Dagdag pa niya, “At this time, we don’t have any figure yet because hindi pa talaga tapos ang daloy ng prusisyon. Pero ito, sa history ng prusisyon, ang pinakamarami na dumagsa para sa pagdiriwang ng prusisyon.” 

Pagpapatuloy ni Arellano, nakapagpabagal din umano sa daloy ng Traslacion ang matagal na pag-usad nito’t nagdulot ng pagkapagod at panghihina sa mga deboto. 

“Isa pang nakabagal ay maaaring pagod na nga [ang mga tao], sabi nga ng ating Kura Paroko, dahil mahigit 24 hours na silang nandoon, nanghihina, kailangan ng lakas…” 

“Dahil nga sa dami ng taong dumagsa at humarang, talagang ‘yong pwersa para makausad ang Andas, talagang mabagal po,” paliwanag niya. 

Samantala, ayon naman sa tala ng Innovation Integrated GIS and Data Hub ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na iniulat ng Manila Public Information Office (MPIO) as of 7:00 AM nito ring Sabado, Enero 10, 2026, nasa 7,337,700 ang kabuuang bilang ng mga nakilahok sa taunang Pista ng Poong Jesus Nazareno.

Nagsimula ang Traslacion ng alas-4:00 ng madaling araw noong Biyernes, Enero 9, 2026, at nakarating sa Quiapo Church matapos ang mahigit 30 na oras. 

MAKI-BALITA: Crowd estimate: 7.3 milyong katao, nakilahok sa Pista ng Poong Jesus Nazareno

Mc Vincent Mirabuna/Balita