Pumanaw ang tabloid photojournalist na si Itoh San sa kasagsagan ng coverage para sa Pista ng Poong Nazareno sa Quirino Grandstand kaninang madaling-araw, Enero 9, 2026.
Ayon sa mga ulat, atake umano sa puso ang ikinamatay ni Itoh.
Bumagsak siya mula sa pagkakatayo. Nangisay pa at bumula rin ang bibig. Bagama’t nagawang isugod sa ospital, binawian din siya ng buhay.
Bago pa man ito ay ilang araw na umanong may flu si Itoh ngunit patuloy pa ring ginampanan ang trabaho sa kabila ng kondisyon ng kalusugan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at pagpupugay kay Itoh ang mga kapuwa niya manggagawa sa media.
Pumanaw si Itoh sa edad na 55.