Hindi napigilan ng netizens na ibigay ang kanilang punto at sentimyento matapos ibahagi ng aktres na si Janella Salvador ang isang makahulugang social media post sa kaniyang X account.
Sa X post ni Janella kamakailan, mababasang sinabi ng aktres na ang mga anak daw ni “Sir Chief” na babae ay para sa mga babae.
“sir chief’s girls are for the girls,” saad ni Janella sa kaniyang post.
Photo courtesy: Janella Salvador/X
Kinudaan din ng netizens ang isa pang “shared post” ng aktres.
Saad sa caption ng post: “bading yung dalawang anak ni sir chief???? WE CHEERED”
Photo courtesy: Janella Salvador/X
Narito naman ang komento ng netizens hinggil sa mga nabanggit na social media updates ni Janella.
“mana mana lang yan, may wlw ships din mom nila hahaha”
“Di nabantayan ni Sir Chief kasi naka focus kay Maya”
“KAYA PALA PAG MAY GL DROUGHT YAN ANG NIREREWATCH KO AHAHAHHAHAH CLOSE TO HOME”
“luhhh okay pakilapag yung sa inyo ni jane”
“ang baduy lang ng sayo emeeee”
“GL scene for kaila and janelle salvador pls!><”
“Mi we need janenella to happen kahit isang series lang”
“ramdam ko yung kaba HAHAHAHAH”
Matatandaang iniintriga kamakailan si Janella matapos ang tila sunod-sunod na pagbabahagi nito ng kaniyang “moments” kasama ang Kapuso actress na si Klea Pineda.
KAUGNAY NA BALITA: Klea Pineda, Janella Salvador, naglingkisan sa dalawang litrato; suportado ng netizens?-Balita
KAUGNAY NA BALITA: 'Favorite passenger daw!' Klea, Janella nag-quick trip sa mga ulap-Balita
Gumanap din si Janella sa drama-romance series na “Please Be Careful With My Heart” bilang si Nikki, isa sa mga anak ni Sir Chief, na siyang ginanapan naman ng aktor na si Richard Yap.
Vincent Gutierrez/BALITA