January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Fresh pa rin!' Dingdong flinex kasariwaan ni Marian sa workout, netizens todo-urirat sa blind item

'Fresh pa rin!' Dingdong flinex kasariwaan ni Marian sa workout, netizens todo-urirat sa blind item
Photo courtesy: Dingdong Dantes, Inside the Metro (FB)

Ibinahagi ni Kapuso Primetime King at Family Feud Philippines TV host Dingdong Dantes ang larawan ng pagwo-workout nila ng misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na aniya, ay pangalawang araw na nila sa pagpasok ng 2026.

Ibinida ni Dingdong na kahit pawisan si Marian, fresh na fresh pa rin ang misis niya, bagay na hindi naman mapabubulaanan dahil talaga namang alam na alam naman ito ng mga netizen simula't sapul.

"Day two ng kaniyang workout for 2026– at fresh pa rin," caption ni Dingdong, na naka-tag pa kay Marian.

Marami naman ang napa-sana all at kinakiligan ang Kapuso power couple, na mababasa sa comment section ng post.

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

"A couple that workouts together, stays together.. soulmates and swolemates."

"sana all sabay magworkout."

"Iba talaga Basta primetime queen lalong gumaganda at Sumi sexy."

"Mapapa sana oll nalang sa dalwa Hanggang dulo.

Habang todo-puri naman ang marami sa couple, hindi naman maiwasan ng iba nauriratin ang mag-asawa tungkol sa isang viral na "blind item."

May mga nag-usisa sa kanilang dalawa, at may mga nagsabi namang patunay ang latest post ni Dingdong na hindi totoong sila ang tinutukoy ng blind item, o sila ang dapat na lumutang sa mga espekulasyon ng mga intrigerang marites na netizens. 

"Oh ayan, super kiligggggggg diba, asa na dyan yung pa blind item pa kayu."

"Sana hindi kayo sa nag viral na blind item."

"Nahiya naman ako sa mga nagblind item #DongYan parin sa 2026 til forever."

"HAHAHAHAHAHHA ayun nag upload si daddy dong. Mga marites kasi na manghuhula sila daw power couple na naghiwalay na eh. Stay Strong DongYan."

"D sila un sa tapangggg ni Marian baka lumipaddd si dong Kasi db darna xa."

"Di Naman siguro sila Yung SA blind items"

"Trending na trending na kayooo... HABANG kayu fresh mga bashers hanggard hahhahaha."

DONGYAN, NAKALADKAD SA BLIND ITEM

Usap-usapan ang blind item na inilathala ng social media page na "Inside the Metro" noong Enero 6, 2026 patungkol sa isang sikat na "power couple" na umano'y tila perfect ang relasyon sa mata ng publiko, subalit ang katotohanan daw, malapit na raw mauwi sa hiwalayan dahil sa umano'y side chicks ng male celebrity na hindi naman lingid sa female celebrity.

Mababasa sa titulo ng blind item, "Is this the end of a power couple's fairy tale?"

Narito naman ang buong blind item, published as is, "From the outside, they are the definition of perfection—a showbiz power couple admired for their looks, flawless image, and undeniable success in their respective fields. Red carpets, brand deals, and carefully curated smiles have convinced the public that they have it all."

"But behind closed doors, the fairytale cracks."

"Industry whispers reveal that the husband, known for his charm and squeaky-clean reputation, allegedly lives a double life. While projecting the image of a devoted partner, he is said to be juggling multiple women—quietly, repeatedly, and recklessly."

"The most heartbreaking part? Insiders claim the wife has been blindsided more times than she can count. There were moments when the pain became too heavy to hide—one particularly raw episode allegedly unfolding in a hotel lobby, where she broke down in tears in front of close friends, her misery spilling out far from the cameras meant to protect their perfect image."

"For now, the smiles remain intact, the photos still polished. But those who know say it’s only a matter of time before the truth catches up with the illusion."

Photo courtesy: Inside the Metro/FB

Photo courtesy: Inside the Metro/FB

Kaniya-kaniyang hula naman ang mga netizen kung sinong couple ang tinutukoy rito, at isa nga mga lumutang ay DongYan.

Bukod sa DongYan, nagbanggit pa ang mga netizen ng iba pang celebrity couple, na sa palagay nila, ay tumutugma sa deskripsyon ng blind item.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang wedding anniversary.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang DongYan tungkol sa pagkaladkad ng mga netizen sa kanila dahil sa blind item.