January 25, 2026

Home BALITA Politics

Leviste, San Fernando, Barzaga binabansagang 'Makabagong GomBurZa'

Leviste, San Fernando, Barzaga binabansagang 'Makabagong GomBurZa'

Tila sang-ayon si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa itinatawag sa tatlong kongresistang sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando, at Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga bilang "makabagong GomBurZa."

Ang Gomburza ay kolektibong tawag sa mga paring sina Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora, tatlong paring Katoliko na binitay ng pamahalaang kolonyal ng Espanya noong Pebrero 17, 1872.

Inakusahan sila ng kasong sedisyon at pakikilahok sa Cavite Mutiny, isang pag-aalsa ng mga sundalo at manggagawa sa Cavite Arsenal, bagaman hanggang ngayon ay itinuturing ng maraming historyador na kulang o gawa-gawa ang ebidensiya laban sa kanila.

Ang sedisyon naman ay kaso o itinuturing na krimeng politikal na kinasasangkutan ng mga kilos, pahayag, o panulat na may layuning mag-udyok ng galit, paglaban, o pag-aalsa laban sa umiiral na pamahalaan o awtoridad.

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

Karaniwan, hindi kinakailangang may aktuwal na armadong pag-aalsa upang matawag na sedisyon; sapat na ang paghihikayat sa publiko na suwayin, pabagsakin, o pahinain ang kapangyarihan ng estado sa paraang labag sa batas.

Mababasa sa social media page na "Ako si Makabayan" ang isang art card na nagsasaad na ang tatlong mambabatas ay "makabagong GomBurZa."

"Mga Bagong pagasa ng ating bayan," mababasa sa caption ng post.

Shinare naman ni Atty. Roque ang nabanggit na post, sa kaniyang Facebook account.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Go young people save your country , remember serving not corruption."

"Ha? I disagree hahahaha."

"This is the one is to turning of hero in the Philippines to delate the corrupt government Mabuhay po the young honorable,honesty and brave talented., God blessed them always keep it up!"

"Kaya sila nag Iingay may ambisyon kulang pa Ang yaman nila."

"We support these three young heroes!"

"Yes agree kakaunti nlang ang hindi nasilaw sa pera ng taong bayan."

"INGAT LANG SA MGA HAKBANG. PATALASAN NG ISIP. PARANG CHESS. Ang matatapang ay pinapatay agad at inaalis ang harang. Ang kalaban behind ay malalakas at higante."

Kamakailan lamang, ibinahagi nina Leviste at San Fernando ang pagkikita-kita nilang tatlo sa isang lunch.

Dito ay nabanggit ni Leviste na isa sa mga pinag-usapan nila sa lunch ay ang files ng sinasabing "Cabral files" mula sa pumanaw na dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Catalina Cabral na sinasabing kopya ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Kaugnay na Balita: 'Salamat sa libre!' Rep. Barzaga, Rep. San Fernando, biniyayaan ng kopya ng budget insertions ni Rep. Leviste

Kaugnay na Balita: Waiting pa! Rep. San Fernando, nilinaw na 'di pa rin binibigay ni Rep. Leviste kopya ng budget insertions

Samantala, si Barzaga naman ay napatawan ng suspensyon dahil sa ethics complaints, kaugnay pa rin sa mga binitiwang pahayag laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.