January 06, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

'Ang Enca at ako ay iisa!' Suzette Doctolero, kinlaro okray niya sa 2016 Encatandia

'Ang Enca at ako ay iisa!' Suzette Doctolero, kinlaro okray niya sa 2016 Encatandia
Photo Courtesy: Balita/MB, Encantadia Chronicles: Sang'gre (FB)

Nagbigay ng paglilinaw si GMA headwriter Suzette Doctolero sa nauna niyang pahayag kaugnay sa 2016 version ng fantaseryeng “Encantadia.”

Ayon sa kaniya, pangit umano ang 2016 at pinaka-the-best naman ang 2005 o ang original version na pinagbidahan nina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon.

Ngunit sa isang Facebook post ni Suzette kamakailan, isa-isa niyang ipinaliwanag kung bakit nasabi niyang chaka ang 2016 version ng naturang fantaserye.

Kabilang umano sa mga ito ay ang mabigat na markang iniwan ng orhinal na Encantadia at ang katapat na serye sa kabilang istasyon. Gayundin ang pagkakaltas sa ilang bahagi ng kuwento.

Teleserye

Rocco pinahuhusgahan 'okray' ni Suzette sa Encantadia: 'Pangit 2016, 2005 pinaka the best!'

“Kaya sana maunawaan ninyo kung napabulalas ako sa aking frustration, hindi dahil ayaw ko sa show, kundi dahil hindi namin naibigay ang buong potensyal na alam kong kaya sana nitong ibigay sa inyo,” saad ni Suzette.

“Chaka nga ba ang Enca 2016?” pagpapatuloy niya. “Alam ninyong hindi.  Alam kong hindi.  Para lang akong ina, na kapag ang aking anak (enca) ay nilalait ng iba....pero ilalaban ko ng patayan.” 

Dagdag pa ng GMA headwriter, “Pero kapag kami na lang, malalait ko, hindi bilang atake, kungdi dahil kilalang kilala at mahal na mahal ko rin lalo't, itanggi ninyo man o hindi, ang enca at ako ay iisa.”

Sa kasalukuyan, umeere sa GMA Network ang “Sang'gre: Encantadia Chronicles” bilang karugtong ng 2016 version ng Encantadia.

Pinagbibidahan ito nina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.

Maki-Balita: Rocco pinahuhusgahan 'okray' ni Suzette sa Encantadia: 'Pangit 2016, 2005 pinaka the best!'

Inirerekomendang balita