January 11, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sana kunin na kayo ni Lord!' Suzette Doctolero pumutak sa bashers ng ‘Encantadia’

'Sana kunin na kayo ni Lord!' Suzette Doctolero pumutak sa bashers ng ‘Encantadia’
Photo courtesy: via Balita


Tinalakan ng GMA Headwriter na si Suzette Doctolero ang mga indibidwal na aniya’y naninira sa fantaseryeng “Encantadia” ng Kapuso network.

Kaugnay umano ito sa kumakalat na isyu matapos niya tahasang sabihing pangit daw ang 2016 edition ng naturang palabas, at 2005 naman daw ang “best” edition nito.

MAKI-BALITA: Rocco pinahuhusgahan 'okray' ni Suzette sa Encantadia: 'Pangit 2016, 2005 pinaka the best!'-Balita

Sa ibinahaging social media post ni Suzette nitong Huwebes, Enero 1, 2026, sinabi niyang umaariba na naman daw ang mga bashers na nandiyan upang manira at magpasikat.

“Umariba na naman ang basher sa post na ‘di kumpleto para magpasikat at manira. Sana kunin na rin kayo ni Lord. Charot!” saad ni Suzette sa kaniyang post.


Photo courtesy: Suzette Severo Doctolero/FB

Mababasa naman sa naturang post ng headwriter ang samu’t saring reaksiyon ng netizens.

“Basta ako solid encantadiksss naniniwala ako sa kakayanan nyo madam coz you’re the best compare to them”

“No worries po, sila na yong susunod”

“Hindi naman about sa artists ibig sabihin ni madam, sa storyline yun, base sa sagot niya sa tanong nung nag comment.”

“maam 2026 na ayaw pa nila magbago HAHAHAHA sana matupad ang wish mo gaya ng wish ni miss kara david haha”

“Dami kasing nagmamarunong embes na manood nlang”


Isang netizen pa nga ang nagsabing “unprofessional” daw si Suzette.

“So unprofessional of you Suzette Severo Doctolero, mygad,” komento nito.

Sagot naman ni Suzette, “hayaan mo na siya. Salamat as always,” matapos naman siyang ipagtanggol ng isang tagasubaybay.

Nauna nang nagpahaging si Suzette sa isa pa niyang social media post, kaugnay naman ito sa mga aniya’y “clout chaser.”

“2026 na, sana yung mga clout chaser dyan.. magbago na. Sakay nang sakay sa mga post at hula para makakuha ng views e kahit puro paninira. May gaba yan. Matindi!” saad niya sa kaniyang post.

Photo courtesy: Suzette Severo Doctolero/FB

Vincent Gutierrez/BALITA