Likas na sa Pilipinas ang madaanan ng mga mahihina hanggang sa pinakamalakas na bagyo. Taon-taon ay mayroong mahigit 20 na bagyo ang pumapasok sa bansa, at kalimitan pa itong ipinapangalan sa pangalan ng tao.
Kalimitan pa itong ipinapangalan sa mga ito ay pangalan ng tao.
Ayon sa mga ulat, ibinahagi ng World Meteorological Organization (WMO) na mas mabuti raw na ipangalan sa tao ang mga bagyo para mas madali itong maunawaan at matandaan ng bawat indibidwal, at nang sa gayon ay mas mapapadali rin ang kanilang disaster risk awareness at pag-iingat sa pananalasa ng mga naturang sakuna.
Kapag naman nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang bagyo, papangalanan din sila ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “Filipino-sounding names” para mas madali itong matandaan ng publiko.
Ayon sa PAGASA, naka-set na ang mga pangalang ipapangalan nila sa mga papasok na bagyo sa Pilipinas. May nakahanda na silang 25 na pangalan at 10 auxiliary set names sakaling lumagpas sa 25 ang papasok na bagyo.
Kapag daw ang isang pangalan ng bagyo ay nagdulot ng matinding pinsala, kung saan 300 o higit pa ang namatay at isang bilyon at higit pa ang halaga ang nasira dahil dito, inaalis na ng PAGASA sa listahan ang pangalan nito upang hindi na ulitin sa mga susunod na taon at hindi na rin maalala at magdulot pa ng trauma sa mga tao ang sigalot na idinulot ng naturang bagyo.
NARITO ANG MGA PANGALAN NG BAGYO NGAYONG 2026:
1. ADA*
2. BASYAN
3. CALOY
4. DOMENG
5. ESTER
6. FRANCISCO*
7. GARDO
8. HENRY
9. INDAY
10. JOSIE
11. KIYAPO*
12. LUIS
13. MAYMAY
14. NENENG
15. OBET
16. PILANDOK*
17. QUEENIE
18. ROSAL
19. SAMUEL
20. TOMAS
21.UMBERTO
22. VENUS
23. WALDO
24. YAYANG
25. ZENY
Auxiliary set
1. AGILA
2. BAGWIS
3. CHITO
4. DIEGO
5. ELENA
6. FELINO
7. GUNDING
8. HARRIET
9. INDANG
10. JESSA