January 01, 2026

Home BALITA National

58% kaso ng mga naputukan, mga menor de edad!

58%  kaso ng mga naputukan, mga menor de edad!
Photo courtesy: PNA,MB

Binubuo ng mga menor de edad ang 58% ng mga kaso ng nabiktima ng paputok, ayon sa tala ng Department of Health (DOH) simula Disyembre 21 hanggang 4:00 AM ng Disyembre 30. 

Sa kabuuang 140 kaso, nasa 5 hanggang 14 ang edad ng mga batang nabiktima ng firework-related injuries. 

Bagama’t 23% itong mas mababa kaysa noong 2024, ipinapaalala ng DOH na iwasan na ang pagpapaputok, at para sa mga mabibiktima nito, inaabiso ng ahensya na agad dalhin sa ospital ang biktima o kaya’y tumawag sa National Emergency Hotline 911 para sa agarang medical assistance. 

KAUGNAY NA BALITA: 2 menor de edad, naputulan ng tig-2 daliri dahil sa ‘whistle bomb’ at ‘5-star’

National

Mga hindi maipuputok na paputok, isuko na lang sa awtoridad!—PNP

Sa kaugnay na ulat ng DOH noong Linggo, Disyembre 28, mga batang nasa edad 0 hanggang 9 at senior citizens ang pinaka-apektado ng hika mula sa mga paputok. 

Matatandaan din na kamakailan ay inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok. 

Kung sino man ang mahuhuling nagbebenta ng alin man dito ay papatawan ng multang aabot sa ₱20,000 at maaari ding makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.

MAKI-BALITA: Sa pagsalubong ng Bagong Taon: Bawal magpaputok, bawal magsubo ng torotot

KAUGNAY NA BALITA: 'Goodbye Chismosa, Goodbye Bading kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na paputok

KAUGNAY BALITA: Bawal sa mga bata? Plastik na torotot, 'di ligtas isubo sa Bagong Taon

Para naman sa mga nagbebenta ng ilan pang legal na paputok, isinulong ng PNP ang centralized na pamilihan ng mga ito para matiyak ang ligats na pagsalubong sa bagong taon. 

MAKI-BALITA: 'Designated' na tindahan ng mga paputok sa bawat LGU, pinag-aaralan ng PNP

Sean Antonio/BALITA