Ibinida ni Sen. Robin Padilla kaniyang pagbabakasyon kasama ang pamilya kasabay ng pagtatampok sa mga magagandang lugar sa Pilipinas.
Sa isang Facebook post ni Padilla noong Linggo, Disyembre 28, sinabi niyang hindi umano niya natatagpuan ang pahinga sa mga enggrande at maluhong bakasyon.
“Para sa akin, ang pinakamalaking biyaya ay ang makapaglakbay kasama ang pamilya. ‘Yong sabay-sabay kakain sa simpleng karinderya, magtatawanan sa biyahe, at sabay naming hahangaan ang ganda ng ating Pilipinas,” saad ni Padilla.
Dagdag pa niya, “Dito ako nagiging payapa. Dito ako humuhugot ng lakas. Dahil kapag pamilya ang kasama at kultura ng Pilipinas ang tanaw, hindi lang katawan ang nagpapahinga. Pati puso at pagkatao ay napapaalala na ang yaman ng buhay ay nasa pagmamahalan at pagtutulungan bilang isang pamilya at isang bayan.”
Sa huli, pinalala ng senador na patuloy umanong mahalin ang sariling atin at ang bawat taong nagbibigay ng saysay sa paglalakbay sa buhay.