December 30, 2025

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Mga trend at plot twist na nagpaingay sa 2025

BALITAnaw: Mga trend at plot twist na nagpaingay sa 2025

Na para bang buwan-buwan may plot twist!

Para sa marami, 2025 ang taon ng mga ganap at plot twist, mula sa celebrity updates, concerts, mga bagong uso, hanggang sa politika, tila hindi nagkaroon ng dully moment ang online world. 

Kaya narito ang ilan sa naging trending moments na nagpa-excite at kumulay sa taong 2025: 

1. Labubu mania

BALITAnaw

BALITAnaw: Pinakamalala, nangwasak na kalamidad sa puso ng mga Pilipino nitong 2025!

Mapa-kulay blue, gray, pink, yellow, o white, naging tatak ng “kidult” generation ng 2025 ang Labubu figurines dahil sa kanilang cute at mangingipin na ngiti, at “thrill” na dala ng kanilang blind box packaging, kung saan malalaman na lamang ang itsura ng collectible na nasa loob kapag binuksan na. 

Mula sa local celebrities tulad nina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Vice Ganda, hanggang sa international personalities tulad nina Lisa Manoban ng KPop girl group, Blackpink, Rihanna, at Dua Lipa, labis ang naging pag-usbong ng Labubu collectibles at bag charms. 

Ang Labubu ay isang karakter sa “The Monsters” toy series ng Hong Kong-born artist na si Kasing Lung. 

Ayon sa Pop Mart, ang official retailer ng Labubu, bagama’t isang halimaw, ang karakter ng Labubu ay mabait at laging handang tumulong kahit na madalas aksidenteng nakakasakit. 

2. K-Pop Demon Hunters

“My little soda pop!” 

Malamang kabisado ng maraming ang tono, liriko, at dance steps sa global sensation na ito dahil sa naging mabilis nitong pag-akyat bilang worldwide hit. 

Ayon sa mga ulat, sa unang dalawang linggo nitong inilabas ng Netflix noong Hunyo, ang K-Pop Demon Hunters ay umani agad ng higit 33 milyong views, at nasa Top 10 sa 93 bansa. 

Ang mga kanta rin ng bidang girl group na Huntr/x at boy group na Saja Boys ay umakyat sa Billboard Hot 100. 

Ang K-Pop Demon Hunters ay kuwento ng Huntr/x, na isang K-Pop girl group na binubuo nina Rumi, Mira, at Zoey, na nagsisilbi ring guardians ng mundo mula sa tuluyang pagsakop at paghahari ng mga demonyo, sa pamamagitan ng mga kanta at performances nila. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Gonna be, gonna be golden!’ Nakapanood ng KPOP Demon Hunters sa Netflix, umabot sa 236M

3. Coldplay “kiss cam”

Naging usap-usapan sa mundo ang kontrobersiya ng “alleged affair” ng isang CEO at HR Head matapos sila makitang sweet na magkayapos sa KissCam segment ng Colplay concert sa Gillette Stadium sa Foxborough, Massachusetts, USA. noong Hulyo 2025. 

Ang pagputok ng KissCam clip nila ay dinagsa ng mga komento at pasaring mula sa netizens. 

MAKI-BALITA: May asawa pareho! CEO, HR head buking na magkayakap sa Coldplay concert

KAUGNAY NA BALITA: Mga may shubet at ka-affair, ayaw na manood ng Coldplay concerts

4. “Nothing beats a Jet2 holiday”

Ang viral background music na ito ay nagkalat na “For You Page” (FYP) sa social media matapos itong gamitin ng netizens para sa araw-araw nilang mga sitwasyon na kadalasa’y nauuwi sa katatawanan. 

Ang linyang ito ay ginamit para sa isang British airline ad, kasama ang 2015 hit song na “Hold My Hand” ng British singer na si Jess Glynne.

5. OA! Sobrang OA”

“OA! Sorry kung natatapakan ko pagka-love team niyo.”

Narinig niyo rin ba ang boses ni Mowm Klarisse habang binabasa ang linyang ‘to?

Bago naging hit sa fans ng PBB Collab 1.0, ito ang naging sambit ni Kapamilya singer at ex-PBB housemate na si Klarisse sa kasamang si Kapuso star Dustin Yu matapos niyang sabihan na lumayo muna saglit sa aktres at housemate rin na si Bianca para sa weekly task nila. 

Sa kabila ng naging mainit na komprontasyon nitong mga panahon na ito, inamin naman ni Klarisse na naisip din niya na mas mainam kung naging mas mahaba ang pag-unawa at pasensya niya. 

Dahil na rin nalinaw ang issue, naging maayos naman ang relasyon nina Dustin at Klarisse. 

KAUGNAY NA BALITA: Klarisse De Guzman, inasahang sasalubungin ng bashers paglabas sa Bahay ni Kuya

KAUGNAY NA BALITA: Klarisse De Guzman, medyo gipit kaya pumasok sa PBB?

KAUGNAY NA BALITA:  Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto

6. Nepo babies

Dahil sa naging sunod-sunod na pagputok ng rebelasyon sa mga anomalya ng flood control projects sa bansa, pati mga anak ng ilang politiko at kontratista ay nag-trending sa social media. 

Mula sa banat ng netizens, pinatutsadahan din ng Pinoy influencers at celebrities ang nepo babies na ito–mula sa mga pasaring sa kanilang fashion statement hanggang sa pag-flex ng kanilang yaman na galing sa kaban ng bayan, naging paraan din ito ng maraming Pinoy para isigaw ang pananagutan ng mga may kauganyan sa mga anomalya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Kailangan mong galingang umiyak at masaktan kasi may pinapaaral kang mga Disney Princess'—Bela Padilla

KAUGNAY NA BALITA: 'Makapag-flex... maganda ka ba?' banat ni Dina Bonnevie sa nepo baby

KAUGNAY NA BALITA: Pokwang, tinrangkaso kakatrabaho para sa nepo babies

7. Ciala Dismaya

Kaugnay ng isyu sa mga anomalya sa flood control projects sa bansa, inabangan at nag-viral ang impersonation ng Kapuso host at comedy genius na si Michael V. ang kontratisang si Sarah Discaya, sa parody skit nila sa gag show na Bubble Gang noong Setyembre 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hearing ongoing’ Paolo, pinasilip bagong parody ni Michael V.

KAUGNAY NA BALITA: 'May sasabihin pa siya!' Ciala Dismaya lumantad na, may payong pa

KAUGNAY NA BALITA: Michael V 'nakaladkad' dahil kay Sarah Discaya: 'Gawan ng parody!'

Matatandaang isa si Sarah, kasama ang asawa niyang si Curlee Discaya sa mga sangkot sa listahan ng top 15 contractor companies na pumaldo sa maanomalyang flood control projects sa pamahalaan, mula sa inilabas na datos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos” Jr. 

KAUGNAY NA BALITA:  Finger heart to middle finger? Sarah Discaya, namaky* umano ng reporter

8. "Multo" (Cup of Joe)

Sa larangan naman ng musika, nanguna ang hit song na “Multo” ng OPM band na Cup of Joe sa “Top Tracks of 2025” sa bansa ng Spotify Wrapped 2025. 

Bukod pa rito, ang banda ay namayagpag din bilang “Top Local Artist” at “Top Local Group” sa digital audio platform. 

“It’s incredibly overwhelming to see our songs become part of people’s playlists and their big moments this year — it reminds us that we’ve somehow become part of their story. Knowing that someone found comfort or connection in our music is one of the best feelings. We’re excited to grow, experiment, and share more pieces of ourselves with our listeners,” pasasalamat ng Cup of Joe sa kanilang fans. 

MAKI-BALITA: Cup of Joe, nanguna bilang ‘Top Local Artist’ at ‘Top Local Group’ sa Spotify Wrapped 2025

9. Kween Yasmin Font

Nobyembre 2025, muling gumawa ng ingay online ang social media icon na si Kween Yasmin sa kaniyang “Kween Sans” font sa Canva. 

Pumatok ang kaniyang “All-Purpose Kween” design asset na, hindi lang netizens ang sumakay sa pakulong ito, kung hindi maging ang ilang sakit pang brands, mga organisasyon, at malalaking personalidad. 

MAKI-BALITA: KILALANIN: Si Kween Yasmin, ang ‘All-Purpose Kween’ ng online world

10. Maui Wowie

Goin back to Honolulu…

Napasayaw at napakanta ang maraming netizens at kapwa celebrities sa  naging “Maui Wowie” performance pasabog ng singer at It’s Showtime host Darren Espanto sa ASAP kamakailan.

Kaya dumating pa sa punto na hindi na ‘Darren’ ang tinawag sa kaniya ng mga staff, crew, at iba pang artists ng ABS-CBN, kung hindi “Maui Wowie.”

Bukod sa local scene, umabot pa ito craze kay American makeup artist at social media influencer James Charles. 

MAKI-BALITA: Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Sa kaugnay na ulat, samu’t saring mga paksa naman ang nailathala ng Google sa kanilang “Year in Search 2025” kung saan, ipinakita ang naging trending topic searches ng mga Pinoy sa buong taon, mula sa mga kalamidad, showbiz, at politika. 

MAKI-BALITA:  ALAMIN: Ano ang mga nag-trend na ‘Google search’ ng maraming Pinoy sa taong 2025?

Sean Antonio/BALITA