Pinatulan na ni comedy genius Michael V.—na kilala rin bilang Bitoy ang kontrobersiyal na contractor at natalong Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya, matapos nitong humarap sa Senate Blue Ribbon Committee.
Sa latest Facebook post ng Bubble Gang noong Lunes, Setyembre 8, nilabas nila ang teaser video kung saan makikita ang nakatalikod na si Bitoy suot ang parehong outfit ni Sarah nang humarap sa Senado.
“Hindi pa tapos ang hearing. ” saad sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reakisyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ayan na. Ganyan dapat uli ang komedya sa ‘Pinas…kaso, ang daming pulitiko at nasa gobyerno na pikon (mga buwisit sila). Kaya nawala ang mga political satire, eh…"
"No need for fancy make up tricks. Pasas at salamin lang, carbon copy na."
"Sarah Dismaya wag sana kami ma Dismaya sayo "
"sama nyo si patrick"
"Humabol kapa sa Lunes, Bitoy! Dami na ganap lunes pa lang."
"Grabe likod pa lang hahahha"
Samantala, ibinahagi naman ni Paolo Contis sa kaniyang Instagram story ang selfie nilang dalawa ni Bitoy.
Matatandaang sa unang pagdalo ni Sarah sa ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe kaugnay sa maanomalyang flood control projects ay napansin ng netizens ang pagkakahawig niya kay Bitoy.
Maki-Balita: Michael V 'nakaladkad' dahil kay Sarah Discaya: 'Gawan ng parody!'
Sangkot si Sarah sa nasabing anomalya dahil dalawang kompanya nila ng asawa niya ay kabilang sa listahan ng top 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects ng gobyerno ayon mismo sa inilabas na datos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marocs, Jr.