Binaha ang Pilipinas ng mga balitang gumulantang at yumanig sa buong bansa mula sa samu’t saring isyung politikal at panlipunang nagtulak sa taumbayan na mangalampag ng hustisya at pananagutan mula sa pamalahaan.
Mula Enero sa isyu ng impeachment para kay Vice President Sara Duterte hanggang Disyembre sa maanomalyang flagship project ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Narito ang mga pangyayaring ‘ika nga nila’y hindi na maaaring kalimutan na nakaukit na sa kasaysayan.
Enero 2025
Unang buwan pa lamang ng taon, ay sinalubong na ng malawakang kilos-protesta ang 2025, matapos magkasa ng National Rally for Peace ang Iglesia Ni Cristo (INC). Panawagan nila—na magkaisa na ang tuluyang pagkawasak ng relasyon nina VP Sara at PBBM.
Maki-Balita: ALAMIN: Mga nakalagay na mensahe sa placards ng 'National Rally for Peace'
Pebrero 2025
Sa ikalawang buwan pa lamang ng taon, ay isang kasaysayan ang iginuhit ng House of Representatives matapos nilang iimpeach si VP Sara na siyang kauna-unahang Bise Presidente na na-impeach sa bansa.
KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
Marso 2025
Ginulat ng International Criminal Court (ICC) ang mga tagasuporta ng pamilya Duterte matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, kauna-unahang Asian leader na inaresto ng ICC
Mayo 2025
Naganap ang midterm election na pinaniniwalaan ng ilan na siyang nagdigta sa naging resulta kung ng palpak na impeachment trial laban kay VP Sara.
Hulyo 2025
Ang opisyal na pagpasok ng 20th Congress at ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni PBBM. Ito na rin ang naging hudyat ng pagsisimula ng malalim na pagkalkal sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang mga ‘ganap’ at ‘agaw-eksena’ sa SONA ni PBBM
Agosto 2025
Matapos niyang punahin ang flood control project, Agosto nang tuluyang pangalanan ni PBBM ang mga top contractors na pumaldo mula sa pondo ng gobyerno.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Puro sa anomalya!’ Sumbong sa Pangulo website, binaha ng higit 20k reklamo, bida ni PBBM
Setyembre 2025
Tuluyang rumatsada ang isyu at imbestigasyon ng flood control projects na nagbunsod naman ng pagkakatatag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ito na rin ang buwan kung saan sa muling pagkakataon ay nasilayan ang paglabas ng daan-daang libong mamamayan na natungo sa lansangan bitbit ang panawagang “Ikulong ang mga kurakot.”
KAUGNAY NA BALITA: Trillion Peso March, pinabulaanang umiiwas tumpakin ‘Marcos-Duterte’ na panagutin sa korapsyon
Oktubre 2025
Nagregodon ang Senado, kung saan muling nailuklok na Senate President si Sen. Vicente “Tito” Sotto III. Kasabay nito ang pagbuo naman sa bagong mayorya ng Senado—na pinakamalaking bilang na Senate minority na binubuo ng tinaguriang “Duterte bloc.”
Nobyembre 2025
Sa kauna-unang pagkakataon ay binasag na ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang kaniyang pananahimik matapos madiin sa nasabing maanomalyang proyekto. Sa pagpapakawala ni Co ng mga Facebook videos ng kaniyang mga pahayag, tahasan niyang idiniin ang kaugnayan ni PBBM at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez sa korapsyon sa pondo ng 2025 National Budget na nauugnay sa flood control projects.
Noong Nobyembre rin nang muling magkasa ng malawakang rally ang INC kung saan ang pagdalo ni Sen. Imee Marcos ay sinabayan niya ng isa pang pasabog na pagsisiwalat.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM
Disyembre 2025
Matapos ipangako ni PBBM na may makukulong bago ang Kapaskuhan—ilang indibidwal ang naaaresto na may kaugnayan umano sa flood control projects. Kabilang ang kontraktor na si Sarah Discaya.
Kaugnay pa rin ng malawakang isyu ng flood control projects, ang paggawa rin ng ingay ng dalawang baguhang Kongresista na sina Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga na bumangga kina Rep. Romualdez at PBBM—at Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste na siyang nagpangalan sa mga kapuwa mambabatas na may kaniya-kaniya umanong budget insertions para sa DPWH.
Bago magtapos ang taon, ginulat din ng kontrobersyal na pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral ang taumbayan.
KAUGNAY NA BALITA: Dating DPWH Usec. Cabral, pumanaw matapos mahulog umano sa bangin
Sa pagtatapos ng taon, nagsilbing talaan ng mahahalagang pangyayari ang mga balitang humubog sa takbo ng bansa—mula sa mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya, hanggang sa mga kuwentong sumubok at nagpatibay sa katatagan ng sambayanang Pilipino.