January 24, 2026

Home BALITA

'Unahin n'yo na kami!' Padilla pinapasara na ang Senado, Kamara

'Unahin n'yo na kami!' Padilla pinapasara na ang Senado, Kamara
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), via MB

Nanawagan si Sen. Robin Padilla sa pagpapasara ng Senado at Kamara sa gitna ng umano’y kaguluhang nangyayari sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post ni Padilla noong Biyernes, Disyembre 26, nilahad niya ang mga dahilan kung bakit dapat na umanong ipasara ang dalawang kapulungan.

Aniya, wala umanong nangyayaring paglutas sa mga isyu mula sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam hanggang maanomalyang flood control projects. 

“Ngayon may Cabral Files pa, unahin n’yo na kami i-abolish parang awa n’yo na,” dugtong pa ni Padilla.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

Matatandaang ayon kay Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste, nilalaman umano ng Cabral Files ang  projects listing at proponents ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tutuldok sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Galing umano ang dokumentong ito sa namayapang si DPWH Usec. Catalina Cabral.