Nagbigay ng mensahe si Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para sa pagdiriwang ng Pasko.
Sa latest Facebook post ni Pulong nitong Miyerkules, Disyembre 24, ipinalala niya ang tunay na mahalaga sa kabila ng mga pagsubok, ingay, at paninira.
“Sa panahong puno sa pagsubok, ingay, at paninira, ang Pasko nagpapaalala sa atin kung ano ang tunay na mahalaga — pamilya, pananampalataya, at pagkakaisa,” saad ni Pulong.
Dagdag pa niya, “Sa mga Dabawenyo, salamat sa inyong padayon nga pagsalig. Hindi ito bulag na suporta, kundi suporta na galing sa karanasan — dahil alam ninyo kung ano ang serbisyo na totoo, tahimik, at may resulta.”
Bukod dito, nanawagan din ang kongresista kung ano-ano ang dapat piliin ngayong Pasko.
Aniya, “This Christmas, let us choose hope over hatred, truth over noise, and unity over division.”
“Hindi man pare-pareho ang pinagdadaanan natin, iisa ang hangarin: isang bansa na may dangal, may malasakit, at may tapang tumindig para sa tama,” dugtong pa ni Pulong.
Samantala, umapela naman ang kapatid niyang si Vice President Sara Duterte na ipagdasal ang katatagan at kapayapaan ng bansa sa mensaheng inilabas nito para sa Pasko.
Maki-Balita: VP Sara ngayong Pasko: Ipagdasal biyaya ng kapayapaan, katatagan ng bansa