January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ayaw paawat? Willie Revillame, nanermon na naman habang nakaere!

Ayaw paawat? Willie Revillame, nanermon na naman habang nakaere!
Photo Courtesy: Wil To Win (FB)

Usap-usapan na naman ang panenermon sa ere ni TV host Willie Revillame sa staff ng bago niyang programang “Wilyonaryo.”

Sa X post ni Noelle Capili-Ruiz noong Martes, Disyembre 23, mapapanood ang koleksyon ng mga video clip ng panenermon ni Willie.

“Mali ‘yong pindot mo na naman. Mamaya mo na patugtugin ‘yan. Nape-preempt mo ‘yong opening, e. Isulat mo nga, ‘Willie Revillame, papasok. Ito ang music.’ Nagsesermon na naman ako sa ere,” ani Willie.

Samantala, sa isa pang video clip, tila nagbanta pa siyang sisisantehin niya lahat ng kaniyang tauhan.

Tsika at Intriga

Walang pa-anything, kukubra na lang? VIVA Films, binakbakan dahil kay Vice Ganda

Sabi niya, “I’m sorry, ha. Palagay ko, papalitan ko kayo lahat. Sorry, ‘di n’yo ginagawa ang trabaho n’yo nang maayos.”

“TV5, magkikita-kita tayo diyan. Sabi ko sa inyo, e. Ayusin natin,” dugtong pa niya.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na kumalat ang eksena ng panenermon ni Willie habang umeere ang kaniyang dating programang “Wil To Win.”

Sabi pa nga ng maraming netizens, tila nahawa raw sila sa stress ni Willie nang magalit ang TV host sa production staff ng show dahil sa umano’y kapalpakan.

Ngunit hiningi naman niya ang pag-unawa ng publiko sa pagiging magagalitin niya.

“Maaaring ‘yong iba, hindi ako naiintindihan. Nagagalit ako sa ere, pinapahiya ko ang staff, hindi ho ‘yon ‘yon. Gusto kong maging maayos ang programang ito. Dapat tama ang gagawin,” saad ni WIllie sa isang episode ng “Wil To Win” noong Agosto.

MAKI-BALITA: Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame