Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga paratang na ibinato laban sa kaniya ng umano’y bag man niyang si Ramil Madriaga.
Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Lunes, Disyembre 22, itinanggi niya ang personal na relasyon niya kay Madriaga maging ang mga ibinababa umano niyang utos.
“I do not have a personal relationship with Ramil Madriaga, nor have I ever given him instructions of any kind. I have never visited him in prison, nor have I spoken to him about anything at any time,” saad ni VP Sara.
Bukod dito, sinabi rin ng Bise Presidente na ang mga isinumite umanong larawan ni Madriaga ay kuha sa mga pampublikong pagtitipon kung saan siya dumalo.
Aniya, “These images do not support his allegations and merely show that he was present as part of an election campaign group.”
“Mr. Madriaga has offered no proof — no documents, no corroboration — only accusations. Bare allegations, no matter how loudly repeated, amount to nothing more than noise,” dugtong pa ni VP Sara.
Matatandaang lumutang kamakailan ang pangalan ni Madriaga matapos maghain ng kaniyang sworn affidavit kaugnay sa direktang pagtatrabaho niyanoon sa Bise Presidente.
Ayon kay Madriaga, naatasan raw siyang buuin ang grupong “Inday Sara Duterte Is My President” (ISIP) para suportahan ang kandidatura nito noong 2022 elections.
Isiniwalat rin ni Madriaga sa kaniyang sinumpaang salaysay ang milyon-milyong halaga at duffle bag na dinala umano niya sa iba’t ibang lugar sa panahon ng kaniyang pagsisilbi kay VP Sara.
Kaugnay na Balita: 'Black propaganda?' Roque, dinepensahan si VP Sara sa nagpakilalang ‘aid’ nito