December 21, 2025

Home BALITA

Trillanes, kinaladkad si Pulong sa isyu ni Cabral

Trillanes, kinaladkad si Pulong sa isyu ni Cabral
Photo Courtesy: via MB

Pinuntirya ni dating Senador Sonny Trillanes IV si Davao City First District Rep. Pulong Duterte matapos masawi si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.

Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Sabado, Disyembre 20, binalikan niya ang pagkumpirma ni Cabral sa 51 bilyong insertions ni Duterte sa nasasakupan nito.

Aniya. “Si Usec Cabral ang nag-confirm ng ₱51 billion insertions ni Pulong sa Davao City. Ito na ang pinakamalaking halaga na nakurakot ukol sa issue ng flood control.”

“Hindi pa sumipot si Pulong sa ICI kaya halatang may tinatago,” dugtong pa ni Trillanes.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

Kaya naman nanawagan ang dating senador sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Office of the Ombudsman (OMB) para gawin ang mga sumusunod na hakbang:

Kunin sa DPWH ang bawat contract na bumubuo ng 51 billion peso insertions ni Pulong from 2019 to 2022.

I-confirm sa DBM/COA kung lahat ng projects na ito ay nabayaran na.

Ipatawag lahat ng contractors na nakapirma sa mga contracts.

Samahan ang contractors at District Engineer sa Davao City para ituro nila kung saan ang eksaktong location nung mga nasabing 51 billion peso projects ni Pulong.

I-check kung ang mga projects na ito ay ghost o substandard.

I-file ang nararapat na kaso.

Matatandaang batay sa ulat noong Enero 2024, kinumpirma ni Cabral ang umano’y ₱51 bilyong natanggap ni Duterte sa distrito nito noong huling taon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit sa isang Facebook post ni Duterte noong Setyembre 9, 2025, sinabi niyang hindi raw siya kailanman nangialam ng budget sa Kamara.

Ito ay matapos ungkatin sa House Infrastructure Committee ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kay Cabral ang pahayag na binanggit nito sa isang pahayagan tungkol sa umano'y insertions ni Duterte.

Maki-Balita Rep. Pulong Duterte, umalma matapos idawit ₱51B pondo sa infra projects ng Davao mula 2020-2022