Kuwalipikado na umanong tumayo bilang state witness si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara ayon kay Department of Justice (DOJ) Prosecutor General Atty. Richard Anthony Fadullon matapos nitong magbalik pa ng halagang ₱71 milyon sa mga awtoridad.
Ayon sa naging pahayag ni Fadullon noong Biyernes, Disyembre 19, sinabi niyang tinanggap na raw sa state witness protection program si Alcantara.
“Sinabi na namin ito noong nakaraan na si Henry Alcantara has been provisionally admitted into the program,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “And he now qualifies as a state witness.”
Ani Fadullon, kaugnay raw ng desisyon nilang ito ang kasunduan na sinunod ni Alcantara sa kanilang memorandum of agreement.
“As such, he has the obligation to testify for the behalf of the state… which is covered by his memorandum of agreement,” saad niya.
“Nakapaloob ito sa kaniyang memorandum of agreement—’yong part na isusuli niya itong [perang] nakuha niya during the time or in relation to his projects…” pagtatapos pa niya.
Samantala, matatandaang nauna nang ibalik ni Alcantara ang ₱110 milyong nakulimbat umano niya sa maanomalyang flood-control projects sa DPWH noong Nobyembre 28, 2025.
MAKI-BALITA: Henry Alcantara, nagbalik na ₱110M sa gobyerno, magbabalik pa ng ₱200M—PBBM
Parte umano ito ng hakbang na “restitution” ng gobyerno kung saan layunin nilang maibalik ang mga salapi na nakulimbat partikular sa mga maanomalyang flood control projects.
MAKI-BALITA: 'Hindi kami tanga!' Pulong 'di kumbinsido sa isinauling ₱110M ni Alcantara
MAKI-BALITA: 'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez
Mc Vincent Mirabuna/Balita