December 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?

Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?
Photo Courtesy: concertsnicharm (TikTok)

Tila pinapangalandakan na talaga nina Kapamilya artists Daniel Padilla at Kaila Estrada ang isa’t isa sa publiko.

Kabilang sina Daniel at Kaila sa ilang celebrites na nanood sa concert ng IV of Speed sa MOA Arena kamakailan. 

Sa ibinahaging video clip ng TikTok user na si “concertsnicharm” kamakailan, naispatan ang nakakakilig na eksena ng dalawa habang nanonood sa nasabing concert.

Isa sa mga eksenang ito ay ang pag-akbay ni Daniel kay Kaila habang may binubulong na kung ano.

Tsika at Intriga

Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Buti pa to si kaila di binash pero si issa grabe bash"

"You can sense Dj is genuinely in love with Kaila, he’s so affectionate and seems to adore her and doesn’t care what others will say… na para bang si Kaila lang sapat na "

"sure naman na aware si DJ na maraming cam dyan, pero wala syang pake. Sabe nga nya 'Kung ano nakikita nyo, yun na yun'"

"Dj is too soft now i mean dati parang dominated nya si kath pero now i think di nya magawa kay Kaila cause Kaila is alpha. Dj seems so happy"

"What if hindi talaga minahal ni DJ si kath before and need lang maging sila for projects? because this is a different Daniel and I think this is the real in love na Daniel."

"Huy bat sya yung clingy ngayon?"

"Mabilis pala talaga ma-inlove si DJ sa nakaka-trabaho niya I remember kinilig tumbong niya kay Jasmine Curtis noon"

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre, Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa.

Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz

Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.

Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”

Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na

Samantala, si Kaila naman ay nananatili pa ring tikom ang bibig sa real-score nila ni Daniel.