December 15, 2025

Home BALITA National

Singson, last day sa ICI: 'Walang extension, meron na akong ibang lakad bukas!'

Singson, last day sa ICI: 'Walang extension, meron na akong ibang lakad bukas!'
Photo courtesy: via MB

Nagbigay ng maiksing pahayag si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson hinggil sa huling araw niya sa huling hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa maanomalyang flood control projects nitong Lunes, Disyembre 15.

Sa ambush interview ng media bago siya tuluyang umalis, sinabi ni Singson na wala na siyang extension sa ICI at may iba pa siyang lalakarin kinabukasan.

"Last day today, walang extension," aniya.

"I gave the 30-day notice of irrevocable resignation, wala na ako rito bukas, meron na akong ibang lakad bukas," sagot pa ni Singson.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Bago pumasok sa loob ng kotse, humirit pa si Singson, "Meron pa 'kong pupuntahang lamay!"

Matatandaang kinumpirma ni ICI chairperson Andres Reyes, Jr. ang resignation ni Singson noong Disyembre 3 dahil sa umano’y “stressful work” sa komisyon.

Itinuring naman ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na pagpanaw ng ICI ang resignation ni Singson.

Kaugnay na Balita: Sa pagbitiw ni Singson: ICI natodas na!—solon

Ayon naman sa naging pahayag ni Singson sa noong Disyembre 4, sinabi niyang mabigat na trabaho ang pag-aaral ng lahat ng mga aplikableng batas kaugnay sa mga pag-uusapan sa bawat pagdinig ng ICI.

“I thought it was going to be commission work which means when there are hearings, you’re here. But that is not the case. Because as an engineer. I have to study all the applicable laws that are related to ICI hearings,” aniya.

Kaugnay na Balita: ‘My body cannot take it anymore!’ ICI ex-Comm. Singson, stress sa trabaho kaya nagbitiw sa puwesto

Ani Singson, hindi na rin daw kaya ng 77 niyang edad ang stress mula sa bigat ng tungkulin niya sa komisyon.