January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Sey mo Derek? Mag-ex na sina Ellen at John Lloyd, nagkita ulit

Sey mo Derek? Mag-ex na sina Ellen at John Lloyd, nagkita ulit
Photo courtesy: Van Soyosa (IG)

Kapuwa sumuporta ang dating mag-partner na actress-model na si Ellen Adarna at aktor na si John Lloyd Cruz sa naging piano recital ng kanilang anak. 

Ayon sa ni-repost ni Ellen mula sa Instagram story ng talent manager na si Van Soyosa noong Linggo, Disyembre 14, mapapanood ang pagtatanghal ng kanilang anak na si Elias at makikita rin doon ang larawan nilang tatlo na magkasama. 

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG)

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG)

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG)

Photo courtesy: Ellen Adarna (IG)

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

Samantala, makikita sa mga ibinahaging larawan ni Soyosa sa kaniyang Instagram stories na naroon din ang artist na si Isabel Santos na siyang kasalukuyang girlfriend ni John Lloyd. 

Matatandaang tila maayos naman ang relasyon nina Ellen at ni John Lloyd base sa sagot ng aktres sa isang netizen na nagtanong kung okay ba sila ng aktor.

MAKI-BALITA: Ellen Adarna kay John Lloyd: 'I have nothing but good things to say about him'

Sa serye ng Instagram story ni Ellen, mapapanood na sinagot niya ang tanong ng netizen na: "Maiba naman, are you and JL ok?"

"With JL [John Lloyd] wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him," sey ni Ellen.

MAKI-BALITA: Ellen Adarna, magpa-file ng annulment kay Derek Ramsay?

MAKI-BALITA: ‘Tragis!’ Ellen Adarna nag-react sa interview ni Angelica Panganiban

Mc Vincent Mirabuna/Balita