Ipinasa na sa Senado ang Senate Bill No. 1506 o Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) - Blockchain the Budget Act.
Ayon sa ibinahaging post ni Sen. Bam Aquino sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Disyembre 15, ibinalita niya sa publiko ang pagpasa sa Senado ng CADENA Act.
“Good news! Napasa na sa Senado ang SBN 1506 o ang CADENA – Blockchain the Budget Act,” mababasa sa simula ng caption ni Aquino.
Photo courtesy: Bam Aquino (FB)
Ani Aquino, layunin ng nasabing panukala na gawing bukas at para mabantayan ng publiko ang paggamit ng pondo ng bayan.
“Layunin ng CADENA Act na gawing bukas at mababantayan ang paggamit ng pera ng bayan. Inaatasan nito ang mga ahensya ng gobyerno na ilabas ang mahahalagang datos at dokumento sa paggastos ng pondo upang masigurong napupunta ito sa tama at hindi sa katiwalian,” paliwanag niya.
Pagpapatuloy pa ng senador, magiging posible na sa taumbayan na malaman kung saan napupunta ang bawat pisong pinaggagamitan ng kaban ng bansa.
“Kapag naisabatas ang CADENA Act, makikita at mababantayan na ng taumbayan kung saan napupunta ang bawat pisong pinopondohan ng gobyerno,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang kasama ang CADENA Act sa apat na legislative order na inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na bigyang prayoridad at pag-aralan upang maipasa bilang batas.
MAKI-BALITA: PBBM, pinamamadali pagpapasa ng Anti-dynasty bill, Party-list System Reform Act, atbp.
"The President directed Congress to prioritize the following proposed legislative measures: Anti-dynasty bill, Independent People's Commission Act, Party-list System Reform Act, and Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act to institutionalize transparency and accountability on public finance," saad ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro noong Disyembre 9, 2025.
Dagdag pa niya, “In a LEDAC Meeting this morning, the President also instructed both houses to take a closer look at the four bills, and prioritize the passage as soon as possible.”
MAKI-BALITA: Sen. Bam sa legislative orders ni PBBM: 'Tamang-tama sa Anti-Corruption Day!'
MAKI-BALITA: Anti-political dynasty bill, mas magandang hindi dapat madaliin—Palasyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita