Umarangkada na ang unang araw ng “12 Days of Christmas: Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DOTr) para sa MRT-3, LRT-2, at LRT-1 ngayong Linggo, Disyembre 14.
Base sa anunsyo ng DOTr sa kanilang social media, unang nakalibreng sakay ang senior citizens sa buong araw.
Kailangan lamang nilang dalhin at ipakita ang kanilang senior citizen ID o anumang ID na nagpapatunay na sila’y 60 taong gulang pataas.
Matatandaang inanunsyo ng DOTr na aarangkada ang libreng sakay sa commuters mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan simula Disyembre 14 hanggang sa Pasko, Disyembre 25.
Layon ng ahensya na maipadama sa commuters ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mas pinadali, ligtas, at komportableng pagbiyahe.
MAKI-BALITA: '12 days of Christmas' ng DOTr, idadaan sa libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3
Sean Antonio/BALITA