December 13, 2025

Home BALITA National

'Wag magpadala sa paninira!' VP Sara, hinikayat maging mapanuri mga Pilipino

'Wag magpadala sa paninira!' VP Sara, hinikayat maging mapanuri mga Pilipino
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na maging mapanuri at huwag daw magpadala sa mga paninirang ibinabato laban sa kaniya. 

Ayon sa isinapublikong pahayag ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Disyembre 13, binalikan niya ang umano’y naging paghahain ng impeachment laban sa kaniya. 

“Last year, the House Committee on Good Government and Public Accountability launched a full-blown fishing expedition, searching for anything that could be twisted into grounds for impeachment,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Then came the revelation that signatures for my impeachment were being courted in exchange for budget allocations. Several lawmakers themselves recently confirmed how the constitutional process was being cheapened and reduced to a marketplace.” 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Pagpapatuloy ni VP Sara, may panibago na raw ngayong “fishing expedition” laban sa kaniya. 

“Another fishing expedition is now being launched, as they scramble to weaponize any accusation they can manufacture just to create a semblance of procedural legitimacy for an investigation,” aniya. 

Nagawa pang hikayatin ni VP Sara ang taumbayan na maging mapanuri at huwag daw magpadala sa mga paninira. 

Pagdidiin niya, tungkol lang umano ang mga nangyayari sa kaniya para sa pagtatakip ng nakawan sa kaban ng bayan na wala pa ring napapanagot. 

“Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na maging mapanuri at huwag basta magpapadala sa mga paninira. Hindi ito tungkol sa paghahanap ng katotohanan — ito ay tungkol sa pagtakip ng nakawan sa kaban ng bayan na hanggang ngayon ay walang nananagot,” saad niya. 

“Patuloy lamang tayong maging matatag sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya at walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Patuloy tayong magdasal para sa kapayapaan,” ‘ika pa niya. 

Nangako rin si VP Sara sa publiko na magpapatuloy ang serbisyo publiko ng Office of the Vice President para sa taumbayan. 

“Rest assured that the Office of the Vice President will continue to deliver efficient, accessible, and responsive public service for the good of all Filipinos,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang sinampahan ng plunder at iba pang kasong kriminal si VP Sara Duterte sa Office of the Ombudsman (OMB) kasama ang 14 pang opisyal noong Biyernes, Disyembre 12, 2025. 

MAKI-BALITA: VP Sara kinasuhan ng plunder, atbp. sa Ombudsman

Dahil umano ito sa maling paggamit ng  ₱612.5 milyong confidential funds ng kaniyang opisina at sa panahon ng paninilbihan ng Bise Presidente bilang kalihim sa Department of Education (DepEd).

Bukod sa plunder, lumabag din umano si VP Sara sa Articles 210 at 212 ng Revised Penal Code on bribery, sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Article XI, Section 2 ng 1987 Constitution, at culpable din umano siya sa pagyurak sa Konstitusyon.

MAKI-BALITA: Palasyo, iminungkahing hintayin sagot ni VP Sara kaugnay sa alegasyon ng lumitaw na 'bag man'

MAKI-BALITA: 'Black propaganda?' Roque, dinepensahan si VP Sara sa nagpakilalang ‘aid’ nito

Mc Vincent Mirabuna/Balita