December 13, 2025

Home BALITA

Pinutol na dila mula sa asong si Kobe, hindi na maibabalik!

Pinutol na dila mula sa asong si Kobe, hindi na maibabalik!
Photo courtesy: Contributed photo

Humihingi ng dasal at tulong ang pamilya at mga kaibigan ng isang aso na nagngangalang Kobe matapos umano siyang walang awang putulan ng dila sa Aratiles Street, Barangay Balangkas, Valenzuela City.

Ayon sa pahayag ng mga nag-aalaga kay Kobe, agad siyang isinugod sa isang veterinary clinic kung saan siya kasalukuyang naka-confine. 

Sinabi ng beterinaryo na nawalan ng maraming dugo ang aso at positibo rin siya sa parasites at iba pang impeksiyon. Dagdag pa ng vet, wala nang posibilidad na maibalik ang dila ni Kobe dahil sa lalim ng pagkakaputol at sa dami ng mga ugat na naapektuhan.

Kailangan umanong manatiling naka-confine si Kobe upang mabantayan ang paghilom ng sugat, mabigyan ng tamang gamot, at maiwasan ang posibleng komplikasyon.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Dahil sa patuloy na pagdami ng gastusing medikal, humihingi ng tulong pinansyal ang pamilya para sa gamutan ni Kobe. Nagpaabot din sila ng pasasalamat sa mga nagpaabot ng mensahe, dasal, at tulong para sa patuloy na paggaling ng aso.

Wala pang pahayag ang mga awtoridad kung may isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Samantala, nangako na ng ₱100,000 pabuya ang dating alkalde at kongresista ng Valenzuela City na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng suspek.

Aniya, “Hindi ko kayang sikmurain na may ganitong kaganapan sa ating siyudad. This is not how Valenzuelanos are, this is not how our values are. Tayo sa lungsod natin, we value every single life.”

KAUGNAY NA BALITA: DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila