Ibinahagi sa publiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang bagong mukha ng Banago Port sa Bacolod City.
Ayon sa mga larawang inupload ni PBBM sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Disyembre 12, makikita ang nasabing pantalan na iniulat niyang hindi na raw nakasabay sa dami ng tao at galaw ng ekonomiya taon-taon.
“Sa loob ng maraming taon, hindi na nakasabay ang pantalang ito sa dami ng tao at galaw ng ekonomiya,” mababasa sa simula ng kaniyang caption.
Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)
Pagpapatuloy pa ng Pangulo, may kakayahan na raw ang nasabing pantalan na magserbisyo para sa aabot na 500 pasahero bawat araw.
“Ngayon, kaya na ng Banago Port na magserbisyo sa hanggang 500 pasahero mula sa dating 50 lamang,” pagbibida niya.
Dagdag pa niya, “[K]asama ang pinalawak na four-lane causeway para sa mas mabilis at mas ligtas na galaw ng mga tao at produkto.”
Ani PBBM, parte ng kaniyang programang Building Better More ang naturang pagpapaganda ng Banago Port.
“Sa Build Better More, ramdam at kapaki-pakinabang ang imprastraktura sa araw-araw ng bawat Pilipino,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: PBBM sa sektor ng edukasyon: 'Na-neglect natin nang napakatagal!'
MAKI-BALITA: 'Tahimik lang na buhay!' PBBM, 'di trip magpolitika noong bata pa
Mc Vincent Mirabuna/Balita