May 22, 2026

Home BALITA National

Phivolcs: 'Walang tsunami threat' sa 'Pinas matapos ang magnitude 6.7 na lindol sa Japan

Phivolcs: 'Walang tsunami threat' sa 'Pinas matapos ang magnitude 6.7 na lindol sa Japan
PHIVOLCS

Naglabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang pagyanig ng magnitude 6.7 na lindol sa Japan nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 12. 

"No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake," anang Phivolcs sa isang pahayag.

Naganap ang nasabing lindol bandang 11:44 AM (oras sa Japan, 10:44 AM sa Pilipinas) sa east Coast ng Aomori Prefecture sa naturang bansa, na may lalim na 20 kilometro, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA)

Maki-Balita: Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato