Ilang araw matapos yumanig ang magnitude 7.6 na lindol, isang panibagong magnitude 6.7 na lindol ang yumanig sa bansang Japan nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 12.
Naganap ang lindol bandang 11:44 AM (oras sa Japan, 10:44 AM sa Pilipinas) sa east Coast ng Aomori Prefecture sa naturang bansa, na may lalim na 20 kilometro, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA)
Matatandaang noong Disyembre 8 nang yumanig ang magnitude 7.6 na lindol sa parehong rehiyon sa Japan.
Maki-Balita: Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Japan; walang tsunami threat sa ‘Pinas
Naglabas din ng tsunami advisory ang JMA sa naturang rehiyon.
Samantala, naglabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang magnitude 6.7 na lindol sa Japan.