Kinaaliwan ng mga netizen ang video ng pagluluto ng embutido ni "Unang Hirit" TV host-Kapuso actress Shaira Diaz para sa mister na si Edgar Allan "EA" Guzman, na ibinahagi niya sa social media noong Disyembre 4.
Ipinakita kasi ni Shaira sa video na tumagal nang 4 minuto at 20 segundo ang pagluluto niya ng embutido para sa brunch nila ng mister na si EA.
Ayon pa kay Shaira, most requested daw ng mommy niya ang embutido at paborito naman ng mister na si Edgar.
Saad pa ni Shaira, malapit na rin siyang magkaroon ng cooking vlog, na siyempre, magpapakita sa cooking skills niya lalo pa't isa na siyang misis ngayon.
Ipinakita ni Shaira ang paghihiwa at pagluluto niya sa embutido pero ang ending, nagkahiwa-hiwalay ito.
Biro tuloy ni EA, para daw "giniling" ang kinalabasan ng embutido niya.
Nang ipakita niya ang embutido, nag-sorry pa siya sa mister dahil sa pagkadurog nito.
"Okay lang basta ikaw nagluto," ani EA.
"Pero masarap 'yan, gawa 'yan ni Mama saka luto 'yan ng asawa ko," sundot pa niya.
Matapos ang 12 taon, ikinasal na ang Kapuso couple noong Agosto 14, 2025. Matatandaang na-engage ang dalawang showbiz personality noon pang Disyembre 2021, ngunit isinapubliko ito noon lamang nakaraang taon.
Kaugnay na Balita: Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!
Talagang inabangan ng mga fans, supporters, at netizens ang kasal ng dalawa dahil sa naging pag-amin ni EA na kahit matagal na silang mag-jowa ni Shaira, ay "hindi pa nasusuko ang Bataan" sa kaniya.
Kaugnay na Balita: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, 'di pa rin isinusuko ang ‘bataan’
Ayon naman kay Shaira, malaki kasi ang paggalang niya sa mga magulang, kaya nangako siyang buong-buo pa rin siyang matatagpuan kahit iwan pa siya ng mga ito kahit saan.
Kaugnay na Balita: Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira