December 13, 2025

Home BALITA

Sa pagbitiw ni Singson: ICI natodas na!—solon

Sa pagbitiw ni Singson: ICI natodas na!—solon
Photo Courtesy: Karen Davila (IG), via MB

Itinuturing ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na pagpanaw ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang resignation ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson sa nasabing komisyon.

Sa mensahe ni Erice sa mga reporter ng House of Representatives nitong Miyerkules, Disyembre 3, idineklara niya ang kamatayan ng ICI.

"ICI is now dead, it has no credibility, especially ngayon bago ng bago ang naratibo ng Palasyo. Cover-up will require a series of cover-ups until it explodes right in their faces," saad ni Erice.

Dagdag pa niya, “He feels that why would he allow himself and his family the risk and sacrifice their privacy to solve the problem of Malacañang, family feud, and trying to find who stole from the government."

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa kongresista, tila naramdaman din umano ni Singson na ginagawa lang silang “punching bag” at posible pang maakusahan bilang mga “washing machine.”

“He also feels that without congressional mandate of the ICI, kulang na kulang authority nila. At baka mabalikan pa sila ng mga makapangyarihan na involved,” dugtong pa ni Erice.

Kaya naman gusto nilang bigyan ng proteksyon ang komisyon mula sa posibleng legal na hakbang na gawin laban sa mga ito sa pamamagitan ng panukalang batas na  isinusulong nila.

Ito ay ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) na inilalarawan ng mga naghain nito bilang “upgraded” ICI.

Matatandaang kinumpirma ni ICI chairperson Andres Reyes, Jr. ang resignation ni Singson nito ring Miyerkules dahil sa umano’y “stressful work” sa komisyon.