Pumalo sa 33% na mga Pilipino ang naniniwalang mahusay ang pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Senado.
Ayon sa naging resulta ng isinagawang survey ng WR Numero kaugnay sa pamumuno ni Sotto sa Senado, makikitang umabot sa 33% na mga Pinoy ang nagsagot ng “lubos na mahusay” at “mahusay.”
Photo courtesy: WR Numero Philippine Public Opinion Monitor (Issue 5. Vol. 2025)
Makikitang tila halos kapantay lang din ito ng 30% na mga Pilipinong nagsagot ng “lubos na hindi mahusay” at “hindi mahusay” tungkol sa pamamahala ni Sotto sa mataas na kapulungan.
Habang pumalo rin sa 31% na Pilipino ang nagsagot ng “hindi sigurado” kaugnay sa performance ni Sotto.
Samantala, mayroon ding 7% na mga Pilipino ang nagsagot naman na hindi umano nila kilala si Sotto.
Ang naturang survey na ito ng WR Numero ay isinagawa mula noong Nobyembre 21 hanggang Nobyembre 28, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: 35% ng mga Pinoy, 'di nahusayan sa performance ng Kamara—WR Numero
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nanguna sa 2028 presidential pre-elections survey—WR Numero
KAUGNAY NA BALITA: Performance ni VP Sara, doble ang taas kumpara kay PBBM—WR Numero
Mc Vincent Mirabuna/Balita