January 26, 2026

Home BALITA

Magalong, nalungkot matapos magbitiw si Singson sa ICI

Magalong, nalungkot matapos magbitiw si Singson sa ICI
Photo Courtesy: Benjamin Magalong (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa pagbibitiw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson bilang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sa ambush interview nitong Miyerkules, Disyembre 3, sinabi ni Magalong na nalungkot umano siya sa naging desisyon ni Singson.

"Nalulungko ako. Hindi ko alam kung anong reason. Pero nalulungkot ako. [...] Sayang, kasi talagang very competent siya,” saad ni Magalong.

Kinumpirma ni ICI chairperson Andres Reyes, Jr. ang resignation ni Singson nito ring Miyerkules dahil sa umano’y stressful work sa komisyon.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Samantala, matatandaang si Magalong ang kauna-unahang miyembro ng ICI na nagbitiw sa puwesto bilang special adviser noong Setyembre.

Maki-balita: Magalong, nag-resign na bilang ICI special adviser