December 15, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Top 10 'most complained' National Government Agencies ng 2025

ALAMIN: Top 10 'most complained' National Government Agencies ng 2025
Photo courtesy: MB


Sa gitna ng sunod-sunod na isyung kinakaharap ng bansa na may kaugnayan sa malawakang korapsyon, iba’t ibang kalamidad na nagdulot ng pinsala, at anomalya sa imprastraktura, tila tahasan na kung paano ihayag ng mga Pilipino ang kani-kanilang mga hinaing at sentimyento.

Patunay ito ng mga nagdaang kilos-protesta na layong ipanawagan ang katiwaliang nangyayari sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inilabas ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Top 10 National Government Agencies (NGAs) na nakatanggap ng pinakamaraming reklamo mula sa taumbayan, na sumasakop sa tala mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 ng taong kasalukuyan.

1. Food and Drug Administration (FDA)

Nangunguna sa listahan ang Food and Drug Administration (FDA) matapos makatanggap ng 599 na complaints. Sa bilang na ito, 570 na ang “marked as closed,” habang 29 pang mga reklamo ang dumadaan sa pagsusuri.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 8 mga putahe na kasya sa ₱1,500 para sa Noche Buena



2. Land Transportation Office (LTO)

Ang Land Transportation Office (LTO) ay nakatanggap ng 414 na mga reklamo sa loob ng 10 buwan. 407 sa mga reklamo ay “closed” na, habang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang 7 mga complaints.

3. Bureau of Internal Revenue (BIR)

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay may 336 na mga reklamo mula Enero hanggang Oktubre. Sa bilang na ito, 330 ang masasabing tapos na, at 6 naman ang patuloy na sinusuri.

4. Philippine Statistics Authority (PSA)

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakapagtala ng 205 complaints sa parehong timeline o period. 202 sa mga reklamong ito ay “closed” na, samantalang 3 ang inaaksyunan pa.

5. Land Registration Authority (LRA)

Nakapagtala ng 193 complaints ang Land Registration Authority (LRA) mula Enero hanggang Oktubre ngayong 2025. 190 sa complaints ay mayroon nang “closed status,” habang 3 pa ang nasa ilalim ng pagsusuri.

6. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nakatanggap ng 150 na mga reklamo, batay sa tala ng ARTA. 131 dito ay “closed” na, samantalang 19 ang iniimbestigahan pa.

7. Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)

Ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ay nakatangggap ng 128 complaints mula sa numerong iniulat ng ARTA. 127 ang tapos na aksyunan, habang 1 na lamang ang nasa ialim ng imbestigasyon.

8. Department of Foreign Affairs (DFA)

Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakapagtala ng 82 complaints sa loob ng 10 buwan. 79 sa mga reklamong ito ay nabigyan na ng aksyon, habang 3 naman sa mga ito ay sinusuri pa.

9. Securities and Exchange Commission (SEC)

Batay sa iniulat na numero ng ARTA, nakakuha ng 73 complaints ang Securities and Exchange Commission (SEC), kung saan 70 dito ay naaksyunan na, at 3 naman ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.

10. Bureau of Customs (BOC)

Ang Bureau of Customs (BOC) ay nakatanggap ng 63 na mga reklamo sa kasalukuyang taon. Sa bilang na ito, 61 ang nabigyan na ng karampatang aksyon, habang 2 pa ang kasalukuyang dumadaan sa pagsusuri.

Photo courtesy: Anti-Red Tape Authority (ARTA)/FB

Kaugnay nito, naglabas din ng 10 Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) ang ahensya na nakatanggap din ng pinakamaraming reklamo sa parehong timeline o period.

Nilinaw naman ng ARTA na ang talang ito ay hindi sumasalamin sa kabuuang performance ng mga nabanggit na ahensya.

“ARTA reiterates that these lists do not reflect the overall performance of any government agency. Complaint volume alone does not equate to poor service; rather, it highlights areas where ARTA and the concerned offices can work together to further streamline processes and enhance public service delivery,” saad ng ARTA sa kanilang social media post noong Martes, Disyembre 2.

Vincent Gutierrez/BALITA