January 11, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Sinilid sa suitcase!’ Bangkay ng beauty influencer, natagpuan sa gubat

‘Sinilid sa suitcase!’ Bangkay ng beauty influencer, natagpuan sa gubat
Photo courtesy: Stefanie Pieper (FB)

Natagpuan sa loob ng suitcase na ibinaon sa lupa ng  kagubatan ang katawan ng isang beauty influencer, matapos siyang mapaulat na nawawala ng kaibigan at ina kamakailan. 

Base sa ulat ng international news outlets, nawala ang Austrian beauty influencer na si Stefanie Pieper matapos pumunta sa isang Christmas party noong Linggo, Nobyembre 23. 

Ayon sa mga awtoridad, pagkauwi ni Pieper, nakapagpadala pa ito ng update sa kaibigan na nakauwi na ito, at isa pang mensahe na may tao sa hagdanan ng apartment niya. 

Ibinahagi rin ng ilan niyang kapitbahay na nakarinig din sila ng umano’y pag-aaway mula sa bahay ng influencer noong mga oras na ito. 

Internasyonal

Salamat sa ref! 2 mangingisda, 3 oras palutang-lutang sa ilog dahil sa bagyo

Nang hindi ma-contact ng mga kaanak at katrabaho si Pieper, at matapos daw itong hindi dumalo sa isang importanteng work appointment, dito na sila nagsumite ng missing report sa mga awtoridad. 

Kaugnayan ng ex-boyfriend ni Pieper sa malagim na pagpatay

Nang pumunta ang mga pulis sa apartment ni Pieper kinagabihan ng Nobyembre 23, ang nakita lamang nila dito ay ang aso ni Pieper at  ex-boyfriend niyang kinilala bilang si “Patrick.”

Binanggit daw ni Patrick na binabantayan lamang niya ang aso ni Pieper. 

Ayon pa sa mga ulat, nakakita rin daw ng mga bakas ng dugo sa pintuan ng apartment. 

Lunes, Nobyembre 24, isang araw matapos mawala si Pieper, nahuli malapit sa Austrian-Slovenian Spielfeld border si Patrick matapos ma-impound ang sasakyan niya. 

Matapos daw ang ilang round ng interogasyon, umamin si Patrick na siya ang gumawa ng krimen, sa pamamagitan ng pagsakal kay Pieper, at paglalagay ng katawan nito sa isang suitcase, bago ito ibaon sa isang kakahuyan sa Slovenia. 

Bagama’t hindi nabanggit ang motibo sa pagpatay sa likod ng naging pagpatay, ang inakusahang ex-boyfriend ay maaaring makulong ng hanggang 20 taon dahil sa krimen. 

Sean Antonio/BALITA