December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: ‘Fun facts’ tungkol kay Muning na dapat malaman ng cat lovers

ALAMIN: ‘Fun facts’ tungkol kay Muning na dapat malaman ng cat lovers
Photo courtesy: Unsplash

Mingmingming o pspspsps? 

Kung ang aso ay “man’s best friend,” para sa maraming cat owners, maituturing nilang “amo” sa kanilang tahanan dahil sa kanilang “sassy and introverted” personality.

Sa pagdiriwang ng National Cat Lovers’ Month sa buwan ng Disyembre, narito ang “fun facts” na dapat malaman ng cat parents at “aspiring cat parents” na nagpa-plano mag-adopt ng kanilang pusa. 

Whiskers

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Ayon sa PetMD, ang maihahalintulad ang sensitivity ng whiskers ng pusa sa daliri ng tao, dahil nagsisilbi nila itong aid vision. 

Depende sa breed, kadalasan, mayroong 12 whiskers ang isang pusa, tig-apat sa magkabilang pisngi. 

Bukod pa rito, mayroon din silang whiskers sa likod ng front legs nila, ayon naman sa Charlottesville Cat Care Clinic.

Vision o Paningin 

Dahil na rin sa sensitive whiskers na ito, ang mga pusa rin ay nearsighted o nakakakita ng malinaw sa malapit, ngunit malabo na sa mga bagay na malayo, dahil malalaki ang mata nila.

Ang paningin ng mga pusa ay hindi nakaka-focus sa mga bagay na nakalagay ng less than 1 foot sa harap nila, kaya dito ay ginagamit nila ang kanilang whiskers para maramdaman kung ano man ang bagay na ito. 

Gayunpaman, mayroon silang matalas na night at peripheral vision dahil sa dark-specializing cells nilang tinatawag din na “rods” at tila reflective mirror sa likod ng mga mata nila. 

Extra organ 

Ayon naman sa Purina UK, ang mga pusa ay may organ na nagsisilbing pangalawang ilong, na tinatawag na “vomeronasal organ” na nagbibigay sa kanila ng kakayahan para makakuha ng iba pang amoy sa paligid nila na hindi kalimiting naaamoy ng ordinaryong scent receptors. 

Kaya rin makikita rito na madalas ay nakanganga ang mga pusa kapag may inaamoy ito, dahil nakalagay ito sa loob ng kanilang bibig. 

Paws

Bilang predators, ang makapal ngunit malambot na sapin sa mga paa nila o “paws” ay binibigyan sila ng kakayahan na maka-atake sa prey nila o target nang hindi nito namamalayan. 

Marking

Ayon sa FOUR PAWS International, nagma-marking ang pusa sa mga pagmamay-ari nila sa pamamagitan ng pagkuskos nila ng pisngi, paws, at katawan sa isang bagay, at kahit sa owner nito. 

Ito’y dahil sa scent glands na nakalagay sa mga parte nilang ito. 

“Cold” man silang maituturing ng marami, mahalagang tandaan na katulad ng mga tao, may iba’t iba rin silang personalidad na maaaring nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa cat owners sa sarili nilang paraan. 

Bilang responsableng fur parent o kahit nagpa-plano pa lang, obligasyon na bigyan ng maayos at malinis na tirahan at pagkain ang mga alaga para maiwasan ang kanilang pagkakasakit at maagang pagkamatay. 

Sean Antonio/BALITA