December 12, 2025

Home SHOWBIZ

'Why not?' Ogie Diaz, bet si Bam Aquino na tumakbong pangulo sa 2028

'Why not?' Ogie Diaz, bet si Bam Aquino na tumakbong pangulo sa 2028
Photo Courtesy: via MB

Napupusuan ni showbiz insider Ogie Diaz si Senador Bam Aquino na kumandidato bilang pangulo sa darating na 2028 national elections.

Sa latest Facebook post ni Ogie kamakailan, inihayag niya ang kaniyang paghanga sa kahusayan ni Bam sa trabaho nito bilang senador.

Aniya, “Husay ni Sen. Bam Aquino. At walang bahid ng corruption. Talagang ang edukasyon ang gusto niyang manalo.”

“Kung ayaw na ni Mayor Leni Gerona Robredo tumakbo, baka pwede si Bam. Tapos, si Senator Risa Hontiveros ang kanyang runningmate, ay nako, sama ako ng sampu diyan!” dugtong pa ni Ogie.

'Dropping in from the top of the world!' Sandro Muhlach, world record holder na

Ayon sa showbiz insider, kinakailangan daw na minamahal ng kakandidatong pangulo ang bayan, hindi nagpapayaman sa puwesto, at ginagawang negosyong pampamilya ang politika.

“Bam-Risa for 2028 — why not?” pahabol pa niya.

Matatandaang kilalang tagasuporta si Ogie ni Robredo. In fact, inalala pa nga niya noong Setyembre ang ginawa niyang pangangampanya para sa alkalde ng Naga noong tumakbo ito bilang presidente noong 2022 elections.

Maki-Balita: 'Hindi ko ito pinagsisihan:' Ogie Diaz, inalala pagsuporta kay Leni Robredo

Ngunit iniyahag kamakailan ni Robredo na wala na siyang interes pang makisali sa nangyayaring gulo sa politikang pambansa.

Maki-Balita: 'Dito na lang ako sa Naga!'—Leni, sa gitna ng panawagang tumakbo sa 2028