December 13, 2025

Home BALITA National

PBBM, pangarap daw na wala nang Pilipinong gutom pagkatapos ng panunungkulan

PBBM, pangarap daw na wala nang Pilipinong gutom pagkatapos ng panunungkulan
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na pangarap daw niyang wala nang gutom na Pilipino kapag natapos na ang kaniyang panunungkulan.

Ayon sa naging pahayag ni PBBM nang pumunta siya sa Sinunuc Covered Court sa Zamboanga nitong Biyernes, Nobyembre 28, isa rin sa mga binalita niya na may klinika at ibinibigay nang gamot ang Department of Health (DOH) sa nasabing lugar.

“Nandyan ang DOH. may kaunting clinic tayo dito at mayroon tayong binibigay na gamot,” pagsisimula niya.

Sa pagpapatuloy pa ng Pangulo, ibinida niya ang Walang Gutom Program na mula umano sa inisyatibo niya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Nandyan din ‘yong programa na walang gutom. Programa ko po ‘yan,” aniya.

Dagdag pa ni PBBM, pangarap daw niyang wala nang nagugutom sa Pilipinas sa panahon na matapos ang kaniyang panunungkulan bilang Pangulo.

“Dahil ang pangarap ko, pagkatapos na akong mag-presidente, wala nang gutom na Pilipino,” aniya.

Paliwanag pa niya, “Kaya’t may program po tayong ‘walang gutom’ at at hindi lamang ‘yong food supply kundi kung papaano [rin] tama na pagkain para maging malakas ang ating mga katawan.”

Ang Walang Gutom Program ay isang programang isinusulong ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ni PBBM at sa tulong Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nilalayon ng nasabing programa na ito na masuportahan ang aabot sa isang (1) milyong tahanan sa buong bansa para masugpo ang gutom bago sumapit ang 2027.

MAKI-BALITA: PBBM, nakausap si Zelenskyy; pinalalakas relasyong PH-Ukraine?

MAKI-BALITA: 'First time in decades!' PBBM, inilunsad Oplan Kontra Baha sa Cebu Waterways

Mc Vincent Mirabuna/Balita