January 04, 2026

Home BALITA National

PBBM, nakausap si Zelenskyy; pinalalakas relasyong PH-Ukraine?

PBBM, nakausap si Zelenskyy; pinalalakas relasyong PH-Ukraine?
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nakausap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang Ukrainian President na si Volodymyr Zelenskyy upang patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine.

Ayon sa isinapublikong post ni PBBM sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes, Nobyembre 28, sinabi niyang nag-usap sila ni Zelenskyy para painitin ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine, ganoon din na tukuyin ang mga bagay kung saan matutulungan ng nasabing mga bansa ang isa’t isa.

“I spoke with President Volodymyr Zelenskyy today to reaffirm our warm relations and discuss areas where our countries can work together,” mababasa simula na caption ng Pangulo.

Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Dagdag pa niya, “We focused on cooperation in food security, agriculture, and digitalization.”

Anang Pangulo, natalakay rin umano nila ang pagpapalakas ng relasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa bansang Ukraine.

“As the Philippines assumes the Chairship of ASEAN, we also discussed ways to strengthen ASEAN–Ukraine engagement for the benefit of our peoples,” pagtatapos pa niya.

Mc Vincent Mirabuna/Balita